Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba, mensahe ng Banal na Santatlo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,058 total reads

Hinimok ng obispo ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mamamayan na magbuklod sa pag-ibig at isantabi ang hindi pagkakasundo at pagkakaiba.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo ninanais ng Panginoon na magbuklod ang mananampalataya tulad ng Banal na Santatlo.

Paliwanag ng obispo na maisasakatuparan ang pagkakaisa sa tulong ng pag-ibig ng Diyos kung mamamayani sa puso ng mamamayan.

“Ang pairalin natin ay hindi ang ating pagkakaiba, kundi ang ating pag-iibigan. Malalampasan ng ating pag-ibig na walang iba kundi ang pag-ibig ng Diyos, kahit anuman ang ating pagkakaiba,” mensahe ni Bishop Pabillo.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng simbahan sa Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo.

Tinuran din ni Bishop Pabillo ang hidwaan sa nakalipas na halalan dahil sa magkakaibang kandidatong sinuportahan na nagdulot ng pagkakahati-hati sa pamayanan.

“Pero ang pagkakaisa sa pag-ibig ay hindi nagbabalewala sa ating pagkakaiba. Hindi nawala ang ating individualities. Nandiyan pa rin ang pagkakaiba natin at ang mga ito ay hindi naghihiwalay sa atin bagkus nagpapatingkad pa sa ating pagkakaisa,” giit ni Bishop Pabillo.

Ang Holy Trinity Sunday ay ipinagdiriwang ng simbahang katolika isang linggo makaraan ang Linggo ng Pentekostes bilang pagkilala sa iisang Diyos sa tatlong persona ang Ama, Anak at Espiritu Santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 249,655 total reads

 249,655 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,368 total reads

 281,368 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 383,194 total reads

 383,194 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,755 total reads

 423,755 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 433,780 total reads

 433,780 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top