Mensahe ni Cardinal Advincula sa Holy Trinity Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 905 total reads

Alalahanin ang kahalagahang maisabuhay ang misyon ng Panginoon sa bawat binyagang katoliko.

Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Banal na Santatlo ng Most Holy Trinity Parish sa Balic-balic Sampaloc Manila noong June 12.

“Tatlong diwang sangkap ng pagiging sinodo ang pinapaalala sa atin at ito ay mga Communion, Participation at Mission, una ay Communion pagkakaisa, pagkakapit-bisig, pagsasama sa buklod ng pagmamahal sa bisa ng ating binyag naibuklod tayo kay Hesus Kristo na bugtong na anak ng Diyos” bahagi ng homily ni Cardinal Advincula

Kasabay ng paggunita ng Holy Trinity Sunday ang Basic Ecclesiastical Community Sunday kung saan ipinapaalala ng Arsobispo sa mga B.E.C ang walang humpay na pagtulong sa mga indibidwal na nakakaranas ng ibat-ibang uri ng paniniil sa lipunan.

Itinuring naman ni Father Eric Adoviso – Parish Priest ng parokya na makasaysayan ang paggunita ngayong taon ng Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo ng Most Holy Trinity Parish dahil narin kasabay ito ng paggunita ng 90th Jubilee anniversary ng simbahan kung saan iginagawad ang plenaryo indulhensya para sa mga mangungumpisal sa Parokya.

Inihayag ni Father Adoviso na kasabay ng Holy Trinity Sunday ang pagdiriwang ng Pilipinas sa ika-124 Araw ng Kalayaan na ipinagdiriwang tuwing June 12.

Inalala din Father Adoviso na naging bahagi din ng kasaysayan ng Pilipinas ang ‘battle of Balic-Balic’ sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikanong mananakop.

“Unang-una po yung mensahe ko po sa Jubilee, ito po ay isang dakilang pribelehiyo kung saan ang simbahan ay binibigyan tayo ng indulhensya, ang sinumang pumapasok po ay magkakaroon ng indulhensya provided na siya po ay nangungumpisal at pinagdadasal ng ating santo papa ganon din po ang 90 years kasi 1932 po siya itinatawag pero historically po, 1890 ay mayroon na pong chapel sa Balic-balic” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Adoviso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,383 total reads

 28,383 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,341 total reads

 65,341 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,552 total reads

 83,552 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,880 total reads

 167,880 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,959 total reads

 203,959 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,757 total reads

 20,757 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top