Paalala sa mga mag-aaral, maghanda na sa face-to-face classes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,018 total reads

Pinaalalahanan ng grupo ng mga guro ang mga mag-aaral, magulang at mga guro sa mga dapat na gawing paghahanda sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes sa pagbubukas ng klase sa Agosto.

Ayon kay Benjo Basas ng Teachers Dignity Coalition dulot na rin ng dalawang taong pag-iral ang on-line at modular maraming mga nakasanayan ang mga estudyante na kailangang isantabi at itama.

Kabilang na dito ayon kay Basas ang pagpupuyat, at pagsasawalang bahala sa modular activities na kalimitan ding magulang na ang sumasagot.

Nawa ayon kay Basas ay balikan ng mga mag-aaral ang pagiging independent sa pag-aaral, at pakikipagkapwa o social skills at learning habits.

“Mayroon kasi tayong mga na-acquire na habits na those are bad habits, na pag-rely masyado doon sa nanay, sa tatay or sa mga kapatid na pag-rely para maka-comply nung requirements, those are bad habits,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Basa.

Ayon pa kay Basa, dapat ding patibayin ng Department of Education at mga guro ang kasanayan at kakayahan ng mga estudyante sa paggamit ng mga aklat at magpagkakatiwalaang online sources sa halip na gamiting batayan ang social media kabilang na ang TikTok at YouTube.

Paalala din ni Basa sa mga paaralan na patuloy na ipatupad ang minimum health protocols ng hindi isinasakripisyo ang kalidad ng edukasyon at kaligtasan ng bawat isa mula sa banta ng virus.

Sa datos ng DepEd, aabot sa 48-libo ang mga pampublikong paaralan, habang may mahigit 13-libo naman ang mga pribadong paaralan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,762 total reads

 75,762 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,060 total reads

 154,060 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,507 total reads

 187,507 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,804 total reads

 222,804 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,290 total reads

 446,290 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top