Good governance program, paiigtingin ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total views

Paiigtingin ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtugon sa usaping pangkalikasan at pagtataguyod sa maayos na pamamahala.

Ayon kay NASSA/Caritas Philippines National Coordinator, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na ang isinasagawang 40th National Social Action General Assembly (NASAGA) ay mas mapapagtuunan ang pagtalakay at paglikha ng mga programang makatutulong para sa pangangalaga ng kalikasan, pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, at pagkakaroon ng maayos na pamahalaan.

“We would like to get as many suggestion that will come from all our social action directors on how we shall be able to implement programs according sa panawagan ng ating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo ang National Laudato Si’ Program na inilunsad ng Caritas Philippines noong nakaraang taon na layong paigtingin ang pangangalaga sa inang kalikasan sa pamamagitan ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sinabi ng Obispo na ito ay naipalaganap na sa bawat diyosesis at parokya na inaasahang makakatulong upang gabayan ang mga pamayanan sa pagtugon sa iba’t ibang pagsubok na hinaharap ng ating nag-iisang tahanan.

“Gusto nating marinig sa kanila, paano nila ginagawa yung response natin on ecology? Baka magkaroon tayo ng overall picture at magkaroon tayo ng one picture na appropriate at tsaka proper response ng ating simbahan in terms of ecology,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Pagtutuunan din ng Caritas Philippines ang programa para sa “good governance” upang masubaybayan ng simbahan ang pagkilos ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas at panuntunan para sa ikabubuti ng nakararami.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na ito ay panawagan ng CBCP upang ang pakikilahok ng simbahan sa usaping pulitika ay hindi lamang nagtatapos sa eleksyon

“Mas importante ‘yung accountability at tsaka monitoring program na gagawin natin. So we would like to, as much as possible, gather recommendations, suggestions, mga ideas on how we shall do this one from the many social action directors na what we have in the Philippines. So, ito ‘yung isang kahalagahan kung bakit meron tayo nitong NASAGA,” paliwanag ni Bishop Bagaforo.

Kasalukuyang ginaganap ang NASAGA dito sa General Santos City, South Cotabato kung saan napiling host ang Diocese ng Marbel sa pangunguna ni Bishop Cerilo Allan Casicas at social action director Fr. Jerome Milan.

Ang Caritas Philippines ang humanitarian, development, at advocacy arm ng CBCP na nagsisilbi bilang secretariat ng 85 diocesan social action centers, at kinatawan ng Pilipinas sa Caritas Internationalis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 15,783 total views

 15,783 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 85,895 total views

 85,895 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,510 total views

 160,510 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,588 total views

 240,588 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 283,200 total views

 283,200 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top