Suliranin ng pamayanan, tinalakay ng 240 Social Action Center workers sa 40th NASAGA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 764 total reads

Nagpaabot ng pagbati si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa pamunuan ng NASSA/Caritas Philippines kaugnay sa isinasagawang pagtitipon ng mga diocesan social action director sa General Santos City, South Cotabato.

Ayon kay Archbishop Tirona, makabuluhan ang pagsasagawa sa 40th National Social Action General Assembly (NASAGA) dahil natatalakay dito ang iba’t ibang suliranin at pangangailangan ng diyosesis para sa pangangalaga sa kalikasan, at kalagayan ng mga nasa mahihirap na sektor na lubos na apektado ng mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.

Sinabi ng Arsobispo na magandang pagkakataon din ito upang maipakita at maipahayag ng mga SAC directors at workers ang kanilang pangako at paninindigan para sa pagkakaroon ng payapang lipunan para sa ikabubuti ng lahat.

“Natutuwa akong makita ang ating mga agents of social change na nandito lahat para ipakita na sa panahon ng hindi natin alam, still nandyan ang committment ng ating social action directors, social action workers na ipalaganap ang common good, ang katarungan at lalong lalo na ang katotohanan,” pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Radio Veritas.

Tinatayang nasa 240 social action workers na kinabibilangan ng mga Pari mula sa 71 diyosesis ang nakibahagi sa NASAGA upang talakayin at makalikha ng programa para sa kaayusan ng lipunan.

Nagpapasalamat naman si Archbishop Tirona sa pagkakataong maimbitahan at makabahagi sa malaking pagtitipon ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Hangad ng Arsobispo na nawa’y mapaigting pa ng Caritas Philippines ang kanilang mga programa upang mas mapalaganap ang pagtulong ng simbahan tungo sa pagkakaroon nang maayos at mapayapang lipunan.

“Malaking kagalakan para sa akin na maging bahagi ng NASAGA 2022 kaya salamat kay Bishop Jose Colin Bagaforo sa pag-anyaya sa akin. Harinawa ang Caritas Philippines ay lumago pa at magkaroon nang mas malalim na impluwensya sa pagbabago ng ating lipunan,” saad ni Archbishop Tirona.

Bago ang kasalukuyang pamumuno ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, si Archbishop Tirona ang dating chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na mas kilala bilang NASSA/Caritas Philippines simulantaong 2014 hanggang 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,742 total reads

 23,742 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,822 total reads

 57,822 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,305 total reads

 94,305 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,516 total reads

 112,516 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,588 total reads

 195,588 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 82,190 total reads

 82,190 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top