Isama ang panginoon sa paglalakbay, panawagan ng Obispo sa mga graduate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 667 total views

Ang Panginoon ay tuwinang kasama ng bawat isa sa paglalakbay sa buhay.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa Baccalaureate Mass ng mga magsisipagtapos na mga mag-aaral ng College of the Immaculate Conception sa Cabanatuan City.

Ayon sa Obispo ang pagtatapos sa paaralan ay hudyat rin ng pagsisimula ng panibagong yugto ng paglalakbay at mga hamon sa buhay na dapat na matapang na harapin ng bawat isa.

“We move on in our journey and wherever the Lord will send us it’s to proclaim His good news of salvation. Para sa mga graduates this is a milestone in your life but you always know that as you move on in your journey, this milestone that we recognized and identify will always be faced with challenges.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud.

Pagbabahagi ng Obispo, sa kabila ng pangamba at kawalan ng katiyakan para sa hinaharap at sa panibagong paglalakbay sa buhay ay dapat na panghawakan ng bawat isa ang mga karanasang kanilang pinagdaanan at natutunan sa paaralan.

Paliwanag ni Bishop Bancud, dapat na patuloy na ipanalangin sa Panginoon ang lakas ng loob at katatagan na magamit ang kanilang mga natutunan sa tunay na buhay at paglalakbay sa lipunan.

“Balikan mo yung mga kakayahan mo pagyamanin mo and then always accompany whatever efforts that you have, accompany it with a very fervent prayer, a prayer of gratitude because you know out of your own experience the many years back the Lord has always been there in your journey and the same Lord will journey with us.” Dagdag pa ni Bishop Bancud.

Giit ng Obispo, sa gitna ng kasalukuyang lipunan na puno ng mga pagsubok, panlilinlang at mga tukso ay dapat na tuwinang magtiwala ang bawat isa sa biyaya ng Panginoon at sa kanyang pangako na hindi kailanman iiwan ang sinuman.

Ayon kay Bishop Bancud, mahalagang sa panghawakan ang pangako ng kaligtasan, biyaya at kapanatagan ng Panginoon upang hindi kailanman maligaw maging sa gitna ng iba’t ibang mga hamon at pagsubok sa buhay.

“Tayo ngayon ay napapaloob sa mundo at sa lipunan na punong-puno ng pagsubok, pang-aakit ng mundo na madalas empty promises only to find out that na kapag nandiyan na akala mo nandon ang iyong parangap, hindi empty promises of this world that has led people astray and we know that, but behind all of this challenges my dear brothers and sisters is the same Lord Jesus calling us, reminding us ‘I’m with you until the end of time’.” Ayon kay Bishop Bancud.

Sa ilalim ng temang “Dream, Make, Haste, and Look to the Future with Courage” ay umaasa ang buong pamunuan ng College of the Immaculate Conception sa Cabanatuan City at maging ang Diyosesis ng Cabanatuan na maging matatag ang lahat ng mga nagsipagtapos na harapin ang panibagong yugto sa kanilang buhay dala ang kanilang mga natutunan sa paaralan hindi lamang sa larangan ng akademya kundi maging sa kanilang buhay espiritwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 44,475 total views

 44,475 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 50,604 total views

 50,604 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 80,746 total views

 80,746 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 100,217 total views

 100,217 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 118,948 total views

 118,948 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 9,124 total views

 9,124 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 9,005 total views

 9,005 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top