Mamamayan, muling hinimok ng MOP na sundin ang minimum health protocol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mamamayan at manggagawa na sundin ang mga ipinatutupad ng minumum health protocols laban sa banta ng COVID-19 upang hindi na magkaroon ng mahihigpit na lockdowns.

Ito ay matapos iulat ng Octa Research Group na maaring maitala sa 400 hanggang 500 ang kaso kada araw sa National Capital Region (NCR) ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa mga huling araw ng Hunyo na maaring magdulot ng mas pinahigpit na alert level status.

Panawagan ng Obispo sa bawat mamamayan ang pagtitiwala sa pamahalaan at mga ipinatutupad na polisiya laban sa banta ng virus.

“Let us trust also on the government na mayroon silang magagawa kasi kung talagang inuudyok natin na talagang walang magagawa, ay para bang wala tayong mapupuntahan, so yun ang tingin ko diyan, let’s just try to do what we can do, anomang pinapagawa sa atin kahit noon pa man na bigyan ito natin ng pagsunod na maganda naman ang kinagisnan natin, and then yung konting tiwala lang tayo sa government lalung-lalu na because they are also doing their job,” ayon sa panayam ng Radio Veritas.

Pananalangin ni Bishop Florencio na bagamat base sa pag-aaral ang naging ulat ng Octa Research ay hindi ito magkatotoo upang hindi narin magkaroon ng karagdagang pangamba sa isipan ng mga mamamayan.

Hinimok rin ng Obispo ang bawat mananampalataya na manalangin sa Panginoon sa pagharap sa mga pagsubok na dulot ng pandemya.

“At ang dasal ko dito na continue ang paniniwala sa Panginoon because it is the Lord who gives us at sa lahat ng ito at siya rin ang gagawa ng paraan, let’s just try to keep our hands/finger crossed so that itong lahat ng ito ay maibsan o di kaya mawala na ito hoping in the Lord because the lord will always be there to guide us,” ayon pa sa Obispo.

Una ng nilinaw ng Octa Research group na bagamat natuklasan sa kanilang pag-aaral ang dami ng maaring maitalang kaso kada araw sa NCR ay nanatiling ‘low risk’ ang lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 28,162 total reads

 28,162 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 61,969 total reads

 61,969 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 98,451 total reads

 98,451 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 116,664 total reads

 116,664 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 199,482 total reads

 199,482 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 23,258 total reads

 23,258 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top