DSAC-Northern Luzon-Sub Regional Cluster, tinanghal na champion sa 40th NASAGA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Nagkamit ng dalawang milyong pisong halaga ng proyekto ang Diocesan Social Action Centers (DSAC) ng Northern Luzon sub-regional cluster sa ginanap na 40th National Social Action General Assembly (NASAGA) sa General Santos City.

Batay ito sa ibinahaging presentasyon ng bawat sub-region cluster kung saan makikita ang mga proyekto at programa ng bawat DSAC sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

Ayon kay Mother Camille Marasigan, Alay Kapwa Coordinator ng Diyosesis ng Ilagan, Isabela na ang natanggap na pondo ay kanilang gagamitin sa pagpapatuloy ng farm school program ng diyosesis upang magbahagi ng kasanayan hinggil sa pagsasaka at makapagbigay rin ng hanapbuhay at masustansiyang pagkain para sa lahat.

“Ang amin pong panimulang plano para d’yan ay gamitin sa pagpapatuloy ng aming programa para sa ecology na sinimulan namin ‘yung farmschool na ito ay common para sa aming lahat. Pero ‘yung mga susunod ay we will sit down and discuss it with the group para mas mapagpatuloy namin ang mga programa ng social action sa buong region ng Northern Luzon,” pahayag ni Mother Camille sa panayam ng Radio Veritas.

Ang nasabing pondo ay paghahatian ng 14 na diyosesis ng Northern Luzon sub-regional cluster, ito ay ang mga arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan, Nueva Segovia, at Tuguegarao; mga diyosesis ng Alaminos, Baguio-Benguet, Bangued, Bayombong, Ilagan, Laoag, San Fernando de La Union, at Urdaneta; Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe at Tabuk; at ang Prelatura ng Batanes.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mother Camille sa Caritas Philippines sa natanggap na biyaya sa pamamagitan ng NASAGA.

Dagdag ng madre na maliban sa natanggap na 2-milyong piso ay nakamit din ng Northern Luzon cluster ang pagtutulungan upang mapag-usapan at makalikha ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng bawat diyosesis.

“Hindi lang kami nanalo ng halagang 2 million pesos, ang pinakamahalagang mas napanalunan namin ay ang collaboration, coordination, unity na nangyari sa Northern Luzon groups sa pamamagitan ng okasyon na ito,” saad ng madre.

Nakatanggap din ng tig-P500,000 halaga ng proyekto ang mga sub-regional cluster ng National Capital Region kabilang ang Arkidiyosesis ng Manila, at mga diyosesis ng Antipolo, Pasig, Cubao, Kalookan, Novaliches, Parañaque, at Military Ordinariate of the Philippines; at maging ang ZamBaSulI na kinabibilangan ng Arkidiyosesis ng Zamboanga, Prelatura ng Isabela de Basilan, Apostolic Vicariate ng Jolo, Sulu, at ang Diyosesis ng Ipil .

Habang P1.5 million naman ang natanggap ng DOPIM cluster na kinabibilangan ng Diyosesis ng Dipolog, Arkidiyosesis ng Ozamis, Diyosesis ng Pagadian, Diyosesis ng Iligan, at ang Prelatura ng Marawi.

Ang 40th NASAGA ay dinaluhan ng nasa 240 social action directors at workers mula sa iba’t ibang diyosesis na tinalakay at pinagtibay ang iba’t ibang programa na tutugon sa mga higit na nangangailangang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 77,558 total reads

 77,558 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 114,931 total reads

 114,931 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 146,193 total reads

 146,193 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 218,967 total reads

 218,967 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 309,419 total reads

 309,419 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 76,463 total reads

 76,463 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top