Grasyang tinanggap ni Bishop-elect Labajo, ibabahagi ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total reads

Malugod na tinanggap ni Bishop – elect Msgr. Ruben Labajo ang pagkahirang bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu.

Bagamat may pangamba sa malaking hamong kakaharapin kaakibat ng pagiging obispo ay buong kababaang loob nitong ipinagkatiwala sa Panginoon ang kanyang bagong misyon sa simbahan.

“I am humbly accepting the appointment of the Holy Father to me as an auxiliary bishop of the Archdiocese of Cebu. I am completely overwhelmed by the news. I know this is challenging how to be a bishop and considering my weaknesses, inadequacies, limitations and the like, but the gospel of John 15:16 strengthened me when Jesus says you did not choose me but I chose you and appointed you so that you might grow and bear fruit, fruit that will last,” pahayag ni Bishop-elect Labajo.

Aminado ang bagong talagang obispo na bagamat hindi ito karapat-dapat sa posisyon ay labis itong nagpasalamat sa kaloob na biyaya ng misyon na ipinagkaloob ng Panginoon sa halos tatlong dekadang pagiging pari.

Bilang regalo ng Panginoon sinabi ni Bishop-elect Labajo na nararapat itong ibahagi sa kapwa lalo’t higit sa kawan na ipagkakatiwala.

Hiling ni Bishop-elect Labajo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin ng katatagan sa pagganap sa tungkulin bilang katuwang ni Archbishop Jose Palma sa pangangalaga sa halos limang milyong katoliko sa arkidiyosesis kasama si Bishop Midyphil Billones.

“Since it is a gift, it is meant to be shared. This gift has become a task, and this is where I need you most. So please pray for me. Include me in your daily prayers. It is only in him that I can survive. Give me all your support and prayers,” ani Bishop-elect Labajo.

June 23 nang inanunsyo ng Vatican ang makabuluhang paghirang kay Msgr. Labajo kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista na kilalang tagapaghanda sa daanan ng Panginoon.

Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na isang magandang kaloob ng arkidiyosesis ang pagtalaga kay Msgr. Labajo bilang katuwang na obispo lalo’t sa lalawigan sumibol ang Kristiyanismo 500 taon na ang nakalilipas.

“The appointment of the new auxiliary Bishop is certainly a moment of grace. This is certainly God’s grace in our archdiocese as we journey forward,” ayon sa pahayag ni Archbishop Palma.

Si Bishop Elect Labajo ay ipinanganak noong September 24, 1966 sa Talisay City Cebu at nagtapos ng philosophy at theology sa San Carlos Seminary Cebu.

Inordinahang pari ng Archdiocese of Cebu noong June 10, 1994 kung saan kabilang sa pinagsilbihan bilang pari ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay.

2014 hanggang 2019 nang maitalaga ang pari sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Noong 2017 naging bahagi si Bishop-elect Labajo sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council.

Sa kasalukuyan si Bishop-elect Labajo ay isa sa mga Vicar General ng arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,170 total reads

 34,170 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,442 total reads

 65,442 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,231 total reads

 143,231 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,459 total reads

 237,459 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,672 total reads

 296,672 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top