Tularan ang kadalisayan ng Puso ni Hesus, hiling ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Binigyang-diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi nababawasan ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng pagkukulang ng tao.

Ito ang pagninilay ng Arsobispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ngayong June 24.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula ang ebanghelyo ni San Lucas kung saan iniwan ni Hesus ang marami para sa isang nawawala.

“Hindi nababawasan kundi mas umiigting ang pag-ibig ng Diyos sa atin sa mga pagkakataong tayo ay nawawala, nalalayo at napipilayan,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Hamon ng cardinal sa mananampalataya na sikaping tularan ang mga halimabawa at gawi ng puso ni Hesus tungo sa nagkakaisang pamayanan.

“Magpasalamat tayo sa dakilang pag-ibig ni Hesus para sa atin at humihimok sa atin na tularan ang Kanyang mga gawi; ang buod ng biyayang hiling natin sa Kanya ay naihulma niya ang ating puso sa wangis ng Kanyang puso,” giit ng Cardinal.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng kapistahan sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City na pinangasiwaan ni Father Victor Apacible – ang kura paroko at rector ng pambansang dambana.

Sa panayam naman ng Radio Veritas kay Fr. Apacible, hiniling nito sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa mga pari lalo’t kasabay ng kapistahan ng Sacred Heart ang Prayer for the Sanctification of Priests.

Aniya, mahalagang ipanalangin ang mga pastol ng Simbahan upang manatiling matatag sa kabila ng iba’t ibang usaping kinasasangkutan ng mga lingkod ng Simbahan.

“Today also is the prayer for sanctification of priests everytime we celebrate the feast of the Sacred Heart kasama ang sanctification of priests we pray for all priests, my fellow shepherds,” pahayag ni Fr. Apacible.

Dalangin ni Carinal Advincula ang kadalisayan ng puso ng bawat isa tulad ng puso ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 33,423 total reads

 33,423 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 64,695 total reads

 64,695 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 142,514 total reads

 142,514 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 236,742 total reads

 236,742 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,003 total reads

 296,003 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top