Pamilya, pundasyon ng matatag na pananampalataya sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,412 total views

Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na sa pamilya magsisimula ang paghuhubog tungo sa matatag na ugnayan sa Panginoon.

Ito ang pagninilay ng Arsobispo sa katatapos na local celebration ng arkidiyosesis sa 10th World Meeting of Families.

Ayon kay Archbishop Palma, malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga pamilya sa pagpayabong ng pananampalataya.

“Let us believe ang ating mga pamilya ay instrumento ng Panginoon na sa kabila ng pagiging marupok ng tao ay patuloy na naghuhubog tungo sa pagpapanibago,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Batid ng arsobispo ang iba’t-ibang hamong kinakaharap ng mga pamilya dulot ng makamundong pagnanasa kaya’t nararapat ang paglalakbay na nagbubuklod sa panalangin upang manatiling matatag.

Hinikayat ni Archbishop Palma ang bawat isa na magkaisang maglakbay alinsunod na rin sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Synod on Synodality.

“The values of the world tempt us in many varied ways and yet, despite of all of these temptations, today we declare: there is strength, there is grace, and there is hope sa atong lakaw because we know we have brothers and sisters who are willing to journey with us and to assure us that they are there to sustain us, to pray for us, to help us, to inspire us, and to support us niining atong panaw,” ani ng Arsobispo.

Dumalo sa isinagawang family congress ng arkidiyosesis ang mahigit isanlibong indibidwal mula sa iba’t ibang parokya bilang pakikiisa sa 10th World Meeting of Families na ginanap sa Roma kasama si Pope Francis.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang ‘Family Love: A Vocation and a Path to Holiness’ na layong higit pagbuklurin ang bawat pamilya tungo sa mas matatag na pundasyon ng simbahan.

Sa pagtatapos naman ng pagtitipon sa Roma inanunsyo ni Cardinal Kevin Farrell, Prefect ng Dicastery for Laity, Family, and Life ang susunod na pandaigdigang pagtitipon sa 2028 habang ibinahagi ang pagkakaroon ng “Jubilee of Families” sa 2025 kasabay ng pagdiriwang ng simbahang katolika sa Jubilee Year.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 18,087 total views

 18,087 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 48,310 total views

 48,310 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 74,961 total views

 74,961 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 169,934 total views

 169,934 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 190,021 total views

 190,021 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top