Operasyon ng Diocesan Clinic sa Alaminos, pinalawak ng Pondo ng Pinoy ang operasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,082 total reads

Isang Diocesan Clinic sa Diocese of Alaminos sa Pangasinan ang 22 taon nang tumutulong sa mga mahihirap na may sakit at may karamdaman.

Sa tulong ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. mas pinagbuti pa ang serbisyo ng nasabing klinika na nagsimula noong taong 1995 at pinapatakbo sa ilalim ng Social Service Ministry ng diyosesis.

Ayon kay Geraldine Rabarra, Diocesan Coordinator ng Pondo ng Pinoy sa Diocese of Alaminos, malaking tulong ang naibahagi sa kanila ng Pondo ng Pinoy para mas marami pa ang mga mahihirap na maabot ng kanilang klinika.

Prayoridad ng kanilang mga tinutulungan ang mga magsasaka, mga mangingisda at maging mga katutubo na hirap magpagamot at maabot maging ng mga basic health services.

“marami pa din mga patients na kahit basic lang na services hindi nila kaya na talagang mag-pagamot ito ang isa sa mga naging objective ng clinic na magkaroon lahat ng access sa health mayaman o mahirap kasi talagang makita natin sa public [hospitals] yun pila ng patients. Marami talaga nangangailangan ng health services” pahayag ni Rabarra sa panayam ng Programang Caritas in Action sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat si Rabarra na maliban sa suporta ng mga institusyon ng Simbahan tulad ng Pondo ng Pinoy ay patuloy din na naglilingkod ng libre ang ilan mga medical practioners sa kanilang lalalawigan.

“bago ang Pondo ng Pinoy meron na kaming mga partners, meron na kaming mga volunteer Doctors tatlo sila na pumupunta dito sa Clinic aside sa mga health partners natin sa labas. Malakas din naman yung ating referral system tapos may volunteers tayo na mga Nurses nakipag-link din tayo sa Pangasinan Medical Society so during sa ating mga outreach programs kasama natin sila” pagmamalaki pa ni Rabarra.

Aminado ang Diocese of Alaminos na naging hamon sa operasyon ng kanilang klinika ang pagkakaroon ng pandemya dulot ng Covid19 ngunit sila ay nagpapasalamat na kanilang naipagpatuloy ang operasyon nito na tumutugon sa pangangailangan ng mga non covid patients.(rowel)

Sa huli nagpasalamat si Rabarra sa mga sumusuporta sa mga programa ng Simbahan para sa mga mahihirap tulad ng Pondo ng Pinoy kung saan ang pondo ay nagmumula mula sa mgab inabahagi mumo o crumbs ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng iniipon na bente singko sentimos.

“Yung mga crumbs giver maraming maraming salamat sa pagpapatuloy na bahagi ng inyong crumbs napakalaking tulong po ito sa amin sa Diocese, 21 Parishes po ang natutulungan natin ngayon dahil sa Pondo ng Pinoy. Sana po patuloy tayo magbigay ng ating crumbs at marami pa tayong matulungan.” Pagtatapos ni Rabarra.

Ang Diocese of Alaminos ay isa lamang sa tatlong Diyosesis sa lalawigan ng Pangasinan kung saan kinabibilangan din ito ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan at Diocese of Urdaneta.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 13,860 total reads

 13,860 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 45,632 total reads

 45,632 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 86,191 total reads

 86,191 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 111,531 total reads

 111,531 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 159,798 total reads

 159,798 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 179,967 total reads

 179,967 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 107,972 total reads

 107,972 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top