PBBM, hinamong pagbutihin ang labor sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Hinamon ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang susunod na administrasyon na mas pagtuunan ang pagpapabuti sa sektor ng mga manggagawa.

Ito ang pahayag ng obispo matapos na maitala sa State of the Global Workplace: 2022 Report na ang mga manggagawang Filipino ang pinakanakakaranas ng stress sa trabaho sa buong Southeast Asia.

Ayon kay Bishop Mangalinao, marahil ang kawalang-katiyakan sa trabaho at hindi sapat na sweldo lalo na nitong coronavirus pandemic ang nagiging sanhi ng matinding stress ng bawat manggagawa.

“Stressed out na talaga ang mga manggagawa natin. Palagay ko, isa sa mga kadahilanan na sabihin natin na 24/7 na ang pagtatrabaho, binibigay na ‘yung dugo, pawis, at buhay. Kumbaga hindi pa rin umaangat ang kanilang buhay, hindi pa rin sumasapat ‘yung kita,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Sa nasabing 2022 Report, nanguna ang Pilipinas kung saan 50 porsyento ng mga manggagawa ang nakakaranas ng stress, kasunod nito ang Thailand na may 41 porsyento at pangatlo naman ang Cambodia na may 38 porsyento.

Kaya sinabi ni Bishop Mangalinao na malaking hamon ang kakaharapin ng bagong administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang mapabuti at matulungan ang mga higit na apektado ng kasalukuyang krisis.

“Isang malaking hamon sa panibaong pamahalaan kung paano talaga matutulungan itong mga manggagawa na wala namang hinihingi kun’di ‘yung tamang pamamalakad sa trabaho, tamang pagpapasweldo, at sabi nga tamang work environment,” ayon sa Obispo.

Hinihiling naman ng Obispo na nawa’y tuparin ng bagong administrasyon ang kanilang mga pangako at plataporma tungo sa ikabubuti ng lipunan lalo na sa mga manggagawa.

“Dalangin ko na makita ng panibagong administrasyon ang kanilang magagawa dahil sila ang nasa pwesto na lubhang makakatulong sa lahat ng ating mga manggagawa,” dagdag ni Bishop Mangalinao.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 13,820 total reads

 13,820 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 45,559 total reads

 45,559 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 86,118 total reads

 86,118 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 111,460 total reads

 111,460 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 159,727 total reads

 159,727 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 179,900 total reads

 179,900 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,757 total reads

 129,757 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top