Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Operasyon ng Diocesan Clinic sa Alaminos, pinalawak ng Pondo ng Pinoy ang operasyon

SHARE THE TRUTH

 482 total views

Isang Diocesan Clinic sa Diocese of Alaminos sa Pangasinan ang 22 taon nang tumutulong sa mga mahihirap na may sakit at may karamdaman.

Sa tulong ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. mas pinagbuti pa ang serbisyo ng nasabing klinika na nagsimula noong taong 1995 at pinapatakbo sa ilalim ng Social Service Ministry ng diyosesis.

Ayon kay Geraldine Rabarra, Diocesan Coordinator ng Pondo ng Pinoy sa Diocese of Alaminos, malaking tulong ang naibahagi sa kanila ng Pondo ng Pinoy para mas marami pa ang mga mahihirap na maabot ng kanilang klinika.

Prayoridad ng kanilang mga tinutulungan ang mga magsasaka, mga mangingisda at maging mga katutubo na hirap magpagamot at maabot maging ng mga basic health services.

“marami pa din mga patients na kahit basic lang na services hindi nila kaya na talagang mag-pagamot ito ang isa sa mga naging objective ng clinic na magkaroon lahat ng access sa health mayaman o mahirap kasi talagang makita natin sa public [hospitals] yun pila ng patients. Marami talaga nangangailangan ng health services” pahayag ni Rabarra sa panayam ng Programang Caritas in Action sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat si Rabarra na maliban sa suporta ng mga institusyon ng Simbahan tulad ng Pondo ng Pinoy ay patuloy din na naglilingkod ng libre ang ilan mga medical practioners sa kanilang lalalawigan.

“bago ang Pondo ng Pinoy meron na kaming mga partners, meron na kaming mga volunteer Doctors tatlo sila na pumupunta dito sa Clinic aside sa mga health partners natin sa labas. Malakas din naman yung ating referral system tapos may volunteers tayo na mga Nurses nakipag-link din tayo sa Pangasinan Medical Society so during sa ating mga outreach programs kasama natin sila” pagmamalaki pa ni Rabarra.

Aminado ang Diocese of Alaminos na naging hamon sa operasyon ng kanilang klinika ang pagkakaroon ng pandemya dulot ng Covid19 ngunit sila ay nagpapasalamat na kanilang naipagpatuloy ang operasyon nito na tumutugon sa pangangailangan ng mga non covid patients.(rowel)

Sa huli nagpasalamat si Rabarra sa mga sumusuporta sa mga programa ng Simbahan para sa mga mahihirap tulad ng Pondo ng Pinoy kung saan ang pondo ay nagmumula mula sa mgab inabahagi mumo o crumbs ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng iniipon na bente singko sentimos.

“Yung mga crumbs giver maraming maraming salamat sa pagpapatuloy na bahagi ng inyong crumbs napakalaking tulong po ito sa amin sa Diocese, 21 Parishes po ang natutulungan natin ngayon dahil sa Pondo ng Pinoy. Sana po patuloy tayo magbigay ng ating crumbs at marami pa tayong matulungan.” Pagtatapos ni Rabarra.

Ang Diocese of Alaminos ay isa lamang sa tatlong Diyosesis sa lalawigan ng Pangasinan kung saan kinabibilangan din ito ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan at Diocese of Urdaneta.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 8,361 total views

 8,361 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 24,450 total views

 24,450 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 62,226 total views

 62,226 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 73,177 total views

 73,177 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,112 total views

 18,112 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 30,341 total views

 30,341 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 43,633 total views

 43,633 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top