Disiplina sa sarili, solusyon sa trapiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,617 total reads

“Walang disiplina sa sarili.”

Ito ang nakikita ng Automobile Association of the Philippines na isa sa pinaka-dahilan kung bakit mabigat ang daloy ng trapiko sa Pilipinas.

Ayon kay Johnny Angeles, Vice President ng samahan, bagamat nakalagay sa Republic Act 4136 Chapter 4 na kailangang sundin ang batas trapiko sa pamamagitan ng imprastraktura, edukasyon at enforcement subalit hindi ito nasusunod kayat bumibigat ang suliranin sa lansangan.

Inihalimbawa ni Angeles na may mga nakakakuha ng lisensiya nang hindi sumasailaim sa seminar kayat wala silang disiplina at hindi alam ang batas trapiko.

“Sa RA 4136 chapter 4 sundin ang lahat ng batas trapiko like infrastructure, educate the people to use the pedestrian, educate how to drive their cars etc. which is missing; Ikatlo ang enforcement yung matitigas ang ulo na di susunod sa batas trapiko, dapat warningan, ang problema nakakauha sila ng lisensiya nang hindi sila nag-e-exam, that is one of the biggest draw back, if you love the Philippines, we must obey all the rules and regulations especially sa traffic. If susunod lahat ng motorist sa batas trapiko malalaman na may disiplina dito sa bansa, gaya ng pagbaba mo sa ibang bansa maayos ang mga sasakyan sa airport nila pero dito ang gugulo alam mong walang disiplina, nakakahiya. Dapat mag seminar muna for one week bago maisyuhan ng lisensiya, nakalagay yan sa RA 4136,”pahayag ni Angeles sa panayan ng Radyo Veritas.

Sang-ayon naman dito ang Highway Patrol Group (HPG) na kinakailangan ang disiplina sa sarili ng mga motorista.

Dahil dito, ayon kay Elizabeth Velasquez, tagapagsalita ng HPG, nagsasagawa sila ng lingguhang seminar sa mga motorist kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa lansangan.

“May education process kami every Sunday mga taxi drivers and operators na tine-train namin, 20,000 operators and drivers, 6 months na silang pababalik-balik, aside from that may 18 regions nationdwide and we have this program na nagseseminar kami ng mga motorists, mandato namin ang education sa motorist HPG,” ayon kay Velasquez.

Maliban sa disiplina sa lansangan, isa din sa nakikitang dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko ang malaking bilang ng mga sasakyan na dumaraan partikular na sa kahabaan ng EDSA.

Sa record ng Metro Manila Development Authority, nasa 324,000 na sasakyan ang dumaraan sa EDSA kada araw.

“Problema natin sa traffic ang volume ng mga sasakyan so ang program namin is volume reduction sabi ng MMDA 324,000 a day ang dumadaan sa EDSA, so saan yun dumaraan, nakatambak sa kalsada sa dami,” ayon kay Velasquez.

Sa ulat, pang 10 ang Pilipinas sa buong bansa na may pinaka-malalang sitwasyon sa daloy ng trapiko kung saan nangunguna ang Egypt.

Sa social doctrine of the Church, kinakailangan namamayani ang disiplina sa sarili ng bawat isa para na rin sa kapakinabangan ng kapwa at ng komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 13,527 total reads

 13,527 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 100,807 total reads

 100,807 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 147,547 total reads

 147,547 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 195,419 total reads

 195,419 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 298,891 total reads

 298,891 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 311,732 total reads

 311,732 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,214 total reads

 418,214 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top