Mga Filipino, talo sa Bulacan Airport Special Economic Zone

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 947 total reads

Kinatigan ng Ibon Foundation ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa House Bill 7575 na magtatayo ng Bulacan Airport Special Economic Zone (eco-zone).

Ayon kay Sonny Africa – Executive Director ng institusyon, malaki ang malulugi sa pamahalaan dahil sa mga tax incentives at holidays na ibinibigay sa mga negosyong itatayo sa eco-zone.

“Tama lang ang pag-veto ng proposed Bulacan ecozone, pagtangka ito na bigyan ng napakalaking fiscal incentives at awtoridad ang proyekto ng SMC na mapanira sa kalikasan at hanapbuhay ng mga komunidad,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Africa sa Radio Veritas.

Paninindigan din ni Africa na tanging kasiraan sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan sa Bulacan ang dulot ng proyekto ng kumpanyang San Miguel Corporation.

“Liban sa mga insentibo, ang pagpapatayo ng ecozone ay may kaakibat din na paggastos sa bahagi ng gobyerno. Parang naging subsidyo ito sa tubo at kita ng mga mamumuhunan. Hindi rin ito tama,” ayon pa kay Africa.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang dahilan ng pag-veto sa HB 7575 ay dahil sa malaking tax incentives kung saan maaring napakababa o hindi pagbabayarin ng buwis ang mga negosyong mamumuhunan sa eco-zone na banta at karagdagang pasakit sa mamamayan.

Sinabi ng pangulong BBM na ang 60-kilometrong pagitan ng Clark Special Economic and Freeport Zone at Bulacan Airport Special Economic Zone ay malapit ang pagitan na labag sa saligang batas at polisiya na ipinatupad sa mga special economic zone sa bansa.

Unang kinundena ng Ecumenical Bishops’ Forum, Bulacan Ecumenical Forum at iba pang makakakalikasang grupo ang pagpapatayo ng paliparan.

Ito ay dahil sa pinsalang idudulot ng proyekto sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan sa paligid ng paliparan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,423 total reads

 50,423 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,072 total reads

 130,072 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,519 total reads

 163,519 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,817 total reads

 198,817 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,353 total reads

 423,353 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top