Tugunan ang problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon, apela ng Obispo kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 822 total reads

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tugunan ang ibat-ibang suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon.

Ayon kay Bayombong Bishop Elmer Mangalinao, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ito ay ang kakulangan ng silid-aralan, mababang kalidad ng edukasyon at pagkakaroon ng karagdagang benepisyo ng mga guro.

Nabatid sa datos ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na umabot sa higit 400-libong mga guro at manggagawa sa mga pribadong paaralan ang naapektuhan ng mahigpit na lockdowns noong 2020.

“Mga hamon na dapat bigyan ng pansin, 1.Kalidad ng edukasyon sa ating mga pampubliko at pangpribado na mga paaralan, 2.Kalidad ng mga guro sa larangan ng kaalaman, kahusayan at dedikasyon sa pagtuturo, 3.Kakulangan ng mga silid paaralan para sa mga mag-aaral, 4.Suporta ng pamahalaan sa mga guro na nasa mga pribadong paaralan na napakalaki ng kontibusyon o tulong sa pagkalinga,paghubog sa mga estudyante,” mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Kasabay nito ay nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) sa Department of Education (DepEd) na tiyakin na maayos ang mga pasilidad sa mga paaralan sa nalalapit na School Year 2022-2023.

Ayon kay Raymond Basilio – Alliance of Concerned Teacher Secretary General, bukod sa mga silid-paaralan, kailangang maayos ang mga palikuran na may hand-washing facilities upang makaiwas sa banta ng virus.

Apela rin ni Basilio na tiyakin ang pagkakaroon ng mga health care workers na mangangalaga sa kalusugan ng estudyante, guro at kawani ng mga paaralan.

Unang inihayag Catholic Educational Association of The Philippines ang kahandaan ng mahigit 1,600 mga kasaping paaralan at institusyon sa panunumbalik ng face-to-face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,621 total reads

 82,621 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,929 total reads

 116,929 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,229 total reads

 152,229 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,499 total reads

 378,499 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,495 total reads

 267,495 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top