Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 24,869 total views

Nanawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue.

Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ – Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng mga naapektuhan ng pagbaha.

“Gumagalaw ngayon ang BSAC team doon sa Banaue, they are contacting all the BECs, the Basic Ecclesial Communities, para tingnan yung mga members nila o mga kapitbahay nila na ngangailangan ng tulong. Pero yung tinitingnan natin baka yung long-range plan ay matulungan itong farmers na talagang nawalan, ‘yan ang mas importante,” pahayag ni Fr. Dulawan.

Bukod sa mga relief goods, kinakailangan ding magkaroon ng rebuilding program para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dahil sa pagguho ng lupa sanhi ng tuloy-tuloy nap ag-ulan sa Ifugao Province.

Batay sa huling tala ng opisyal, may 465 rice farmers at 251 vegetable farmers ng high-value crop ang naapektuhan ng matinding pagbaha.

Tatlong mga bahay naman ang idineklara bilang ‘totally-damaged’ at may 1,044 mga bahay naman ang ‘partially damaged’.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, umaabot na sa P40 M ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagbaha at landslide sa agrikultura at P500 M piso naman ang pinsala sa imprastraktura.

“Awa po ng Diyos, wala po tayong fatality, walang nasawi nating kababayan, pero may anim po tayong injured persons na inagapan po agad ng lunas ng ating mga kasamahan sa Local Government Unit. More than 1,000 families po ang affected pero nag-evacuate po ay 2 family lang diyan sa isang evacuation center,” dagdag ni Timbal.

Huwebes, July 7 nang maranasan ang malawakang pagbaha at pagguho ng putik sa bahagi ng Ifugao Province, lao na sa bayan ng Banaue, sanhi ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Hanging Habagat. | with News Intern – Chris Agustin

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 6,344 total views

 6,344 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 12,500 total views

 12,500 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 16,862 total views

 16,862 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 27,454 total views

 27,454 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 35,678 total views

 35,678 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 24,335 total views

 24,335 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 40,339 total views

 40,339 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 40,347 total views

 40,347 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 41,426 total views

 41,426 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 39,138 total views

 39,138 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 39,324 total views

 39,324 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 50,266 total views

 50,266 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 39,121 total views

 39,121 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Health
Veritas Team

Eksperto, nagbabala sa epekto ng ‘monkeypox’

 22,492 total views

 22,492 total views Binigyang linaw ng mga eksperto na malaki ang kaibahan ng hawaan, sintomas, at epekto ng ‘monkeypox’ sa COVID-19. Aminado si Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force against COVID-19, na mababa lang ang tiyansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng may monkeypox kumpara sa COVID-19. Gayunman, nagbabala ang eksperto na maari ring

Read More »
Disaster News
Veritas Team

80K na pamilya, apektado ng lindol sa Northern Luzon

 25,585 total views

 25,585 total views Umaabot na sa mahigit P400-milyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at mga imprastratura ng naganap na lindol sa Northern Luzon. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, mahigit sa P13-M halaga na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang P4.5M ang napinsala sa mga

Read More »
Latest News
Veritas Team

Teachers Dignity Coalition, hiniling sa DepEd na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase

 22,426 total views

 22,426 total views Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa inilatag na school calendar sa papasok na taong-panuruan ng Department of Education sa ilalim ng bagong administrasyon. Ayon kay TDC chairperson Benjo Basas, ang planong pagbubukas ng klase sa August 22 ay hindi sapat para magkaroon ng pahinga ang mga guro mula sa katatapos lang na school-year.

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 32,474 total views

 32,474 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 31,627 total views

 31,627 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 36,982 total views

 36,982 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 26,500 total views

 26,500 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal Advincula ang hangarin na maging “Listening Shepherd” sa mga kawan o mananampalataya na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga lalu na ang mga pari, consecrated person at laiko ng Archdiocese of Manila.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top