Ihinto na ang paggamit ng fossil fuel, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 771 total reads

Nananawagan si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza sa tuluyang pagsasantabi sa paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel.

Ayon kay Bishop Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na sa kabila ng mga nangyayaring kalamidad ay tila hindi nababahala ang mga malalaking kumpanya sa epekto ng fossil fuel sa kapaligiran.

Tinukoy ng Obispo ang San Miguel Corporation na pag-aari ni Ramon Ang na bagamat itinigil na ang coal fired power plant sa ilang bahagi ng bansa kabilang na sa Davao Occidental, subalit pinalitan naman ito ng planta ng liquified natural gas (LNG) na isa ring fossil fuel.

“Totoo nga na among the fossil fuel na coal, oil at gas, ang gas ang mas pinaka-less na dirty. Pero ang ginagamit nila na term ay the cleanest of the fossil fuel. So, parang play of words din ‘yun pero fossil fuel pa rin ‘yun,” ayon kay Bishop Alminaza sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Alminaza na maliban sa hindi renewable energy, hindi rin ipinababatid ng SMC na ang fossil fuel ay naglalabas ng methane na mapanganib sa kalikasan at kalusugan ng mga tao.

Ibinahagi rin ng Obispo na ang Negros Island ay maituturing na renewable energy (RE) capital ng bansa maging sa Southeast Asia dahil dito matatagpuan ang dalawang solar power fields at malaking geothermal power na aabot sa 97 porsyento ang nalilikhang RE mula sa isla.

Ngunit giit ni Bishop Alminaza na salungat pa rin ito dahil ang ginagamit na kuryente ng mga taga-Negros ay mula sa mga coal-fired power plant sa mga isla ng Panay at Cebu.

“We are not able to harness the very renewable energy that we are producing,” giit ng Obispo.

Panawagan naman ng opisyal ng CBCP sa pamahalaang panlalawigan at iba pang lokal na pamahalaan ng Negros Island na paigtingin pa ang pagsusulong sa paggamit ng malinis na enerhiya upang mas mapakinabangan pa ng marami.

“Ingatan natin ang ating kalikasan, ang ating common home kasi that’s the only one we have. No planet B. Once it is destroyed talagang wala. And we have experiences already to prove that we are in a planetary crisis,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,587 total reads

 76,587 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,360 total reads

 111,360 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,660 total reads

 146,660 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,929 total reads

 372,929 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,179 total reads

 262,179 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,061 total reads

 155,061 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top