Paghahangad ng Kita mula sa sugalan, Dulot nama’y panganib sa moralidad ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 764 total views

Ikinalungkot ng obispo ng Diyosesis ng Tagbilaran ang paglaganap ng mga ‘casino’ sa bansa na makasisira sa moralidad ng mamamayan.

Tinukoy ni Bishop Alberto Uy ang iba’t ibang uri ng pasugalan na pinapayagan ng gobyerno dahil sa kikitaing buwis ng pamahalaan.

Panawagan ng obispo sa mamamayan na ipanalangin ang mga pinuno ng bayan lalo na sa lalawigan ng Bohol na hindi katigan ang mga proyekto o pagpapatayo ng mga pasugalan tulad ng mga casino.

Binigyang diin ni Bishop Uy na hindi makabuluhan ang pagkakaroon ng malaking kita kung kapalit naman ang moralidad ng mamamayan.

“Aanhin ang malaking pondo ng bayan kung nanganganib naman ang moralidad ng tao na magiging sanhi sa pagkalulong sa mga maling gawain,” ani Bishop Uy.

Nobyembre 2021 nang tutulan ng mga obispo ng Bohol, kasama si Bishop Uy laban sa paglaganap ng online-sabong sa lalawigan.

Iginiit ni Bishop Uy na maraming pamilya ang nasisira dahil sa e-sabong, gayundin ang pagtaas ng bilang ng krimen na nakaapekto rin maging ang kabataan.

Buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon nang tuluyang ipahinto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabong batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government.

Panawagan ni Bishop Uy sa mga opisyal ng pamahalaan na isulong ang ‘Christian leadership’ at tularan ang mga halimbawa ni Hesus bilang mabuting pastol upang manaig sa lipunan ang kabutihan ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,812 total views

 24,812 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,826 total views

 74,826 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,695 total views

 70,695 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,452 total views

 106,452 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,663 total views

 113,663 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top