Obispo, nanawagan ng nagkakaisang pangangalaga sa VIP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total views

Muling hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pamahalaan at mamamayang Pilipino na pangalagaan ang Verde Island Passage (VIP) laban sa panganib ng fossil fuel industry.

Ito’y kasunod ng binabalak na pagpapalawig sa liquified natural gas (LNG) terminal mula sa lalawigan ng Batangas patungo sa V-I-P.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice chairman ng CBCP – Social Action Ministry na hindi dapat pahintulutan ang proyekto dahil magdudulot lamang ito ng pinsala sa kalikasan at hanapbuhay ng maraming maliliit na mangingisda.

Pinangangambahan ng Obispo na mangyari ang oil spill na lubhang makakaapekto sa mga yamang-dagat na matatagpuan sa VIP.

“Pinaka-centerpiece ng mundo ang VIP sa mga unique na mga coral species at marine life. Kapag magkaroon ng traffic doon ng mga ships na mag-deliver ng LNG, talagang hindi maiiwasan ‘yung mga oil spill. It will affect the environment at ang unang maapektuhan noon ay ang mga fisherfolks,” pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan naman ni Bishop Alminaza sa mga kapwa Obispo na magtulung-tulong upang mapigilan ang pagtatayo ng LNG plant sa bansa at maitaguyod ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan lalo na sa mga pinakakaingatang yamang-dagat.

Ang VIP ang tinaguriang “most biodiverse marine habitat” sa buong mundo dahil dito nagmumula ang nasa halos 60-porsyento ng shore fish species sa mundo.

Mayroon itong sukat na 1.14-milyong ektaryang nakapaloob sa Mindoro-Calavite-Tablas triangle na saklaw ng mga lalawigan ng Batangas, Marinduque, Occidental at Oriental Mindoro, at Romblon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 113,618 total views

 113,618 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 157,226 total views

 157,226 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 238,859 total views

 238,859 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 246,450 total views

 246,450 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top