REFAM, umaapela sa LGU at mamamayan na tutulan ang pagmimina sa Sibuyan Island

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,089 total reads

Umapela ang Romblon Ecumenical Forum Against Mining (REFAM) sa mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Romblon, lalo na sa bayan ng San Fernando upang tutulan ang pagmimina sa Sibuyan Island.

Sa pahayag ng REFAM, sinabi nito na dapat manindigan ang mga opisyal laban sa pagpasok ng industriya ng pagmimina sa kanilang mga kinasasakupan upang patunayan ang kanilang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha at mga lingkod-bayan.

“Listen to your people. Choose life for ‘choosing life means making sacrifices and self-restraint’,” panawagan ng REFAM.

Pinangangambahang mapinsala ng Altai Philippines Mining Corporation ang mga iniingatang likas na yaman ng Sibuyan Island dahil sa pagnanais na magsagawa ng operasyon dito.

Ang isla ay kilalang mayaman sa ginto kaya maraming mining companies ang nagnanais na makapasok dito.

Kabilang naman sa mga lumagda sa panawagan ay sina Romblon Bishop Narciso Abellana; Romblon Diocesan Ecumenism and Inter-Religious Affairs Director Father Ethelbert Magbata; Living Laudato Si’ Philippines Executive Director Rodne Galicha; at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang denominasyon.

Taong 2011 nang itatag ang REFAM ng mga pinuno mula sa iba’t ibang denominasyon at pananampalataya na naglalayong itaguyod ang kaligtasan ng mga likas na yaman at mamamayan ng Romblon laban sa epekto ng mga mapaminsalang proyekto tulad ng pagmimina.

Sang-ayon sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa paghihirap ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 145,731 total reads

 145,731 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 203,897 total reads

 203,897 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 340,402 total reads

 340,402 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 452,372 total reads

 452,372 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 247,858 total reads

 247,858 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top