Paglikha ng programa para sa manggagawang Pilipino, hamon ng IBON kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,399 total reads

Umaasa ang IBON Foundation na bibigyang tuon ng administrayong Marcos Jr. sa unang isang-daang araw ng panunungkulan ang paglikha ng mga programang para sa mga manggagawang Pilipino.

Ito ang pahayag ni Rosario Guzman, Executive Editor ng IBON Foundation, kaugnay na rin sa nalalapit na State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Guzman, dapat unahin ng bagong administrasyon ang paglikha ng pangmatagalang hanap buhay para sa mga manggagawa at matugunan ang matagal nang suliranin sa mataas na unemployement rate sa bansa.

“Sa aming pag-aaral of the employed na ‘yung mga sinasasabing may trabaho ay actually masasabi nating informal workers o ‘yung mga unpaid family workers o kaya own account, mga gawa-gawang trabaho, at hindi naman ito mga permanente o formal hindi rin sila nasa pabrika o nasa produktibong sektor,” pahayag ni Guzman sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ni Guzman ang mga magsasaka bilang isa sa mga manggagawang kinakailangan pagtuunan ng pamahalaan.

Paglilinaw ng research head, bagamat ang mga magsasaka ang tinuturing na ‘food producers’ sa bansa sila ay patuloy pa rin na nakararanas ng kagutuman.

“Kaya sana mas unahin ‘yung isang ekonomiya na lilikha ng trabaho para sa kanila. Tapos siyempre kaugnay na rin nu’n ay ‘yung mismong suporta sa pamamagitan ng mataas o disenteng sahod at kumbaga ay permanente o stable na income hindi lang para sa mga mangagawa kundi para sa mga magsasaka o producers natin,” ayon pa kay Guzman.

Inaasahan ang IBON Foundation na ituloy ang planong ‘food self-sufficiency’ sa sektor ng agrikultura lalo pa’t batid nitong malaki ang kompetisyon sa mga imported na produkto at kakaunti lamang ang alokasyon pondo para sa agri-sector.

Nais din ni Guzman na magkaroon ng policy framework ang pamahalaan na sentro rin ang mga manggagawa sa sistema ng transportasyon sa bansa at sikaping bumuo ng state-owned bus at rapid transit na mga kompanya na may mas maayos na patakaran.

Bukod sa pagtugon sa sektor pang-ekonomiya, agrikultura, at transportasyon, ang pagtataas ng sahod ng mga guro, ligtas na balik-eskuwela, at pag-iingat sa West Philippine Sea ay ilan din sa mga panawagang nais ng publiko na mabigyang pansin ng pamahalaan.

Sa Lunes, July 25- gaganapin ang unang pag-uulat sa bayan ni President Marcos Jr. sa Batasang Pambansa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

– with Chris Agustin

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 114,747 total reads

 114,747 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 149,424 total reads

 149,424 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 172,057 total reads

 172,057 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 208,544 total reads

 208,544 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 219,640 total reads

 219,640 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top