Nakakatanda, inaanyayahan sa national conference for grandparents and elderly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 777 total reads

 

Inaanyayahan ng Catholic Grandparents Association of the Philippines ang lahat na makibahagi sa 2nd Online National Conference for Grandparents and the Elderly sa ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo, 2022.

Ang nakatakdang gawain ay bahagi ng paggunita sa 2022 World Day for the Grandparents and the Elderly na may tema ngayong taon na “In old age they will still bear fruit”.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco, layon nitong higit na buksan ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng mga nakatatanda sa lipunan.

Tampok sa nasabing three-day virtual conference ang pagbabahagi ng mga pagninilay sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at mga nakatatanda sa pagpupunla ng pananampalatayang Kristiyano at kanilang papel na ginagampanan sa pamilya at sa lipunan.

Nakatakda ang World Day of Grandparents and the Elderly sa ika-24 ng Hulyo, 2022 na Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ang Lolo at Lola ni Hesus na patron ng mga lolo, lola at nakatatanda.

Pangungunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagsisimula ng gawain habang kabilang naman sa mga magbabahagi ng kanilang mga pagninilay at pagsusuri sa kalagayan ng mga nakatatanda sa lipunan sina:

Day 1 – Ms. Emily N. Beridinco – Executive Director, Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE)
Topic: Context and Situation of the elderly in the Philippines (A Call to Reflection)

Day 2 – Msgr. Manny Gabriel – Asst. National Chaplain, Christian Family Movement (CFM)
Topic: Grandparents and the elderly are a value and a gift both for sociaty and for ecclesial communities

Day 3 – Parañaque Bishop Jesse Mercado – Chairman, CBCP-Episcopal Commission on Family and Life
Topic: Wisdom and experience of the elderly in the context of the synodal journey of the Church (A call to Action)

Closing Remarks: Lipa Archbishop Gilbert Garcera – Founder, Catholic Grandparents Association of the Philippines.

Unang inilaan ng Santo Papa Francisco para sa mga matatanda na nagsisilbi bilang mga guro ng kabutihan sa lipunan ang kanyang pangunahing intensyon sa pananalangin sa buong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Pope Francis, malaki ang ambag ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa buhay ng bawat isa kaya naaangkop lamang ang pagkilala at pagbibigay halaga sa kanila.

Paliwanag ni Pope Francis bahagi ng tungkulin ng kasalukuyang henerasyon ang imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa pangangalaga sa mga nakatatanda na hindi ituring na pabigat sa halip ay mahalagang bahagi at sandigan ng buhay na nagtataglay ng mga karanasan at karunungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 182,906 total reads

 182,906 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 253,835 total reads

 253,835 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 287,284 total reads

 287,284 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 322,583 total reads

 322,583 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 541,781 total reads

 541,781 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top