569 total views
Patibayin ang mga susunding patakaran ng programang “Overseas Filipino Workers (OFW) Children’s Circle”.
Ito ang naging panawagan ng Center for Migrants Advocacy (CMA) sa pagsusulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng programa na layuning tulungan ang maiiwang anak ng mga migrant worker.
Ayon kay Rhodora Abano – Advocacy Officer ng CMA, sa tulong ng pagsangguni muna sa mga magiging kabilang ng programa ay higit na malalaman ng OWWA ang mga akmang pagtugon sa mga suliraning dinaranas ng mga kabataan.
“The gaps in existing programs and services and to ensure the program will indeed address their needs and such gaps;also how these other stakeholders (family, schools, LGUs, etc) can contribute to the aims of the program in a whole of government, whole of society approach, we believe OWWA should study this program well to be able to strategize/ develop programs/services instead of rushing to kickstart next month given that the allocation is P15M,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Abano sa Radio Veritas.
Bagamat kinikilala ng C-M-A ang OFW Children’s Circle ay binigyang diin ng grupo ang kahalagahan na tugunan ang mga sanhi ng patuloy na pag-aalis ng mga Pilipino upang magtrabaho sa ibang bansa.
Tinukoy nito ang mga suliranin ng pagpapatuloy ng kontrakwalisasyon, kakulangan ng pantay at wastong benepisyo sa pabahay at edukasyon ng naiwang pamilya ng mga O-F-W.
“In the short and medium term, the government, from the national down to the local levels, has to develop a serious reintegration program for those displaced, distressed and repatriated because of the pandemic and other emergencies as well as for those who wish to return for good or to encourage them to do so, especially in the context of the more difficult migrant situation in the light of recent developments like the pandemic, economic crisis,” ayon pa sa mensahe ni Abano.
Sa bisa ng OWWA Resolution No.7 ay itataguyod ang OFW Childrens’ Circle na layuning matulungan ang may 200-libong mga anak ng migrant workers.
Ito ay upang mapagyabong ang kanilang mga kasanayan at abilidad sa larangan ng pangangalaga sa kalikasan, pag-iwas sa masamang bisyo, digital literacy at values formation.
Bunsod ng suliraning pang-ekonomiyang dulot ng pandemya kung saan natanggal sa trabaho ang maraming OFW ay una ng isinulong ng Diocese of Balanga ang Scholarship Program para sa mga anak ng OFW na naapektuhan ng krisis.