Paglikha ng programa para sa manggagawang Pilipino, hamon ng IBON kay PBBM

SHARE THE TRUTH

 3,413 total views

Umaasa ang IBON Foundation na bibigyang tuon ng administrayong Marcos Jr. sa unang isang-daang araw ng panunungkulan ang paglikha ng mga programang para sa mga manggagawang Pilipino.

Ito ang pahayag ni Rosario Guzman, Executive Editor ng IBON Foundation, kaugnay na rin sa nalalapit na State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Guzman, dapat unahin ng bagong administrasyon ang paglikha ng pangmatagalang hanap buhay para sa mga manggagawa at matugunan ang matagal nang suliranin sa mataas na unemployement rate sa bansa.

“Sa aming pag-aaral of the employed na ‘yung mga sinasasabing may trabaho ay actually masasabi nating informal workers o ‘yung mga unpaid family workers o kaya own account, mga gawa-gawang trabaho, at hindi naman ito mga permanente o formal hindi rin sila nasa pabrika o nasa produktibong sektor,” pahayag ni Guzman sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ni Guzman ang mga magsasaka bilang isa sa mga manggagawang kinakailangan pagtuunan ng pamahalaan.

Paglilinaw ng research head, bagamat ang mga magsasaka ang tinuturing na ‘food producers’ sa bansa sila ay patuloy pa rin na nakararanas ng kagutuman.

“Kaya sana mas unahin ‘yung isang ekonomiya na lilikha ng trabaho para sa kanila. Tapos siyempre kaugnay na rin nu’n ay ‘yung mismong suporta sa pamamagitan ng mataas o disenteng sahod at kumbaga ay permanente o stable na income hindi lang para sa mga mangagawa kundi para sa mga magsasaka o producers natin,” ayon pa kay Guzman.

Inaasahan ang IBON Foundation na ituloy ang planong ‘food self-sufficiency’ sa sektor ng agrikultura lalo pa’t batid nitong malaki ang kompetisyon sa mga imported na produkto at kakaunti lamang ang alokasyon pondo para sa agri-sector.

Nais din ni Guzman na magkaroon ng policy framework ang pamahalaan na sentro rin ang mga manggagawa sa sistema ng transportasyon sa bansa at sikaping bumuo ng state-owned bus at rapid transit na mga kompanya na may mas maayos na patakaran.

Bukod sa pagtugon sa sektor pang-ekonomiya, agrikultura, at transportasyon, ang pagtataas ng sahod ng mga guro, ligtas na balik-eskuwela, at pag-iingat sa West Philippine Sea ay ilan din sa mga panawagang nais ng publiko na mabigyang pansin ng pamahalaan.

Sa Lunes, July 25- gaganapin ang unang pag-uulat sa bayan ni President Marcos Jr. sa Batasang Pambansa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

– with Chris Agustin

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,374 total views

 2,374 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,184 total views

 40,184 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,398 total views

 82,398 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,933 total views

 97,933 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,057 total views

 111,057 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,458 total views

 14,458 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top