Lepanto Consolidated Mining company, binisita ni Bishop Bendico

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 838 total reads

Pinangunahan ni Baguio Bishop Victor Bendico ang pagbisita sa operasyon ng Lepanto Consolidated Mining Company sa lalawigan ng Benguet.

Bahagi ito ng plano ng Diyosesis ng Baguio na bisitahin ang iba’t ibang minahan at makipag-diyalogo sa mga mananampalatayang may kaugnayan sa mga isinasagawang pagmimina sa kinasasakupan ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Bendico, ipinaliwanag ng mga empleyado ng Lepanto Mining na mahigpit nilang sinusunod ang mga panuntunan upang matiyak na ligtas ang kalikasan at mga kalapit na komunidad sa kanilang isinasagawang operasyon.

Kabilang sa mga panuntunan ay ang pagkakaroon ng sanitary dump site para sa mga tailings at waste materials na nagmumula sa operasyon kung saan sinisiguro ng kumpanya na ligtas ito bago umagos patungo sa ilog.

“Meron silang ginagawang mga precautionary measures ng kanilang tailings and waste materials. Nakaabot kami hanggang sa releasing area ng mga tubig. We came to know na hindi nila basta-basta iniiwan ang kanilang tailings na hindi treated ng chemicals,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Isinagawa ng Obispo ang pagbisita sa Lepanto Mining nitong Hulyo 15 kasama ang mga pari at layko ng Diyosesis ng Baguio.

Umaasa naman ang diyosesis na mapapanatili ng kumpanya ang responsableng pagmimina upang patuloy na matiyak na ligtas ang kalikasan at mamamayan sa banta ng anumang panganib.

Samantala, nakatakda namang bisitahin ng Obispo sa Agosto 11 ang Padcal Mine operation ng Philex Mining Corporation.

“These are my plans in order to keep alive our advocacy for the protection of the environment in the diocese. The protection of the environment is one of our pastoral priorities in the diocese,” saad ni Bishop Bendico.

Nauna nang hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga financial institution sa bansa na huwag nang mamuhunan sa mga mapaminsalang kumpanya ng pagmimina at sa halip ay paglaanan ng pondo ang pagpapaigting at pagsusulong sa renewable energy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 185,627 total reads

 185,627 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 256,394 total reads

 256,394 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 289,843 total reads

 289,843 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 325,142 total reads

 325,142 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 544,210 total reads

 544,210 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,081 total reads

 161,081 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top