Vote buying, pangunahing problema ng 2022 national at local elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 970 total reads

Wala sa makina o teknolohiya ang problema sa nakalipas na halalan sa halip ay nasa talamak na vote buying sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Outgoing Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) chairman Myla Villanueva kaugnay sa naging pagsusuri ng PPCRV sa nakalipas na 2022 National and Local Elections.

Ayon kay Villanueva, saksi ang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa halalan sa iba’t-ibang pagsusuring ginawa upang matiyak ang accuracy ng mga ginamit na makina at teknolohiya kung saan walang makikita na anumang pruweba ng dayaan.

Ibinahagi ni Villanueva na bago pa magsimula ang bilangan at mismong halalan ay marami ng natanggap na ulat ang PPCRV kaugnay sa talamak na vote buying sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

“Ang problema po ay hindi nasa teknolohiya or sa makina. Masasagot ko po na talagang ang dami nating ginawang paraan masuri ang mga datos ng makina, wala po talagang nakikitang pruweba na may dayaan. Masasabi kong malinis po ang pagbilang ngunit napakadami pong mga reports bago pa man bilangin ang ating mga boto ng vote buying.”pahayag ni Villanueva sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Villanueva na bagamat nabilang ng tama o walang ebidensya ng dayaan noong nakalipas na halalan ay hindi naman dapat na ipagsawalang bahala ang napakalaking problema ng patuloy na vote buying sa bansa.

Iginiit ni Villanueva na dapat na matugunan at masolusyunan ang talamak na bilihan at bentahan ng boto tuwing halalan sa bansa kung saan nakasalalay ang kinabukasan at kapakanan ng bayan.

Ayon kay Villanueva, bukod sa pagdarasal ay mahalaga rin ang magagawa ng Simbahan upang hubugin at gabayan ang moralidad ng bawat botante upang maiwasan ang vote buying tuwing halalan.

“So hindi ko po masasabi na ganun lang na tatanggapin na natin na dahil nabilang ng tama ay hindi na natin pansinin ang vote buying, napakalaking problema po mas lalo po sa ang dami pong mga bagong botante na kabataan na first time voters. So nakakalungkot, ngunit yan ay pwede pa naman nating tugunan lalo sa Simbahan, mga values natin, pagdadasal importante po sa bawat halalan, kailangan po talaga natin bigyan ng pansin ang vote buying.” Dagdag pa ni Villanueva.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa tanong kung paano ikukumpara ang eleksyon 2022 sa nakalipas na eleksyon noong 2016, lumabas na generally positive ang pagtingin ng publiko sa nakalipas na 2022 National and Local Elections kung saan 39% ang nagsabing mas kaunti ang dayaan ngayon kumpara sa nakaraang halalan, 5% ang nagsabing dumami ang kaso ng dayaan at 33% ang hindi makapagsabi kung nagkaroon ng dayaan.

Sa hiwalay namang survey ng Pulse Asia kung saan tinanong kung gaano kalaki o kaliit ang pagtitiwala ng publiko sa resulta ng nakalipas na eleksyon 2022, 82% ang nagsabing malaki ang tiwala nila habang ang 4% naman ang maliit ang tiwala sa resulta ng halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 191,181 total reads

 191,181 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 261,632 total reads

 261,632 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 295,081 total reads

 295,081 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 330,381 total reads

 330,381 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 549,190 total reads

 549,190 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top