Pag-aalay kapwa at panalangin, hiling ng Caritas Philippines para sa mga napinsala ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,791 total views

Nagsasagawa na ng assessment ang social action arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa naganap na lindol, Miyerkules ng umaga.

Sa kasalukuyan, ibinahagi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace-NASSA, na kabilang sa mga napinsala ng malakas na pagyanig ang katedral ng Vigan at Kalinga.

Inaasahang ngayong hapon ay makakapag-ulat na ang mga social action center ng mga diyosesis lalo na mula sa Northern Luzon kung saan naitala ang 7.2 magnitude na lindol.

Muli hinikayat ng obispo ang lahat na patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa epekto na dulot ng pagyanig.

Hiling din ng obispo ang pakikiisa ng mamamayang Filipino sa pag-aalay kapwa sa mga posibleng nangangailangang ng tulong sa mga ganitong uri ng kalamidad.

Panalangin mula kay Bishop Jose Colin Bagaforo

“Kami po ay lumalapit mula sa inyong awa at pagkalinga para sa sambayanang Filipino na nakaranas na naman ng hamon, dahil sa binisita kami ng malakas na lindol.

Nawa’y patatagin ang aming damdamin at higit sa lahat ang iyong pagkalinga at pagmmamahal mula sa Iyong banal na proteksyon.

Nawa ang pagkakataong ito ay lalo pa kaming mapalapit sa Iyo, ang tulungan ang kapwa at ipamalas ang Iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalay kapwa,”

 

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, kasalukuyang nasa Tagaytay City ang ilang miyembro ng Social Action Centers ng mga diyosesis na sumasailalim sa pagsasanay ng Executive Course 101.

Layunin ng pagtitipon ang pagbuo ng advocacy focus and objective ng simbahan para sa susunod na dalawang taon; Training management on Handling Social Action Centers; at Networking, Communication lines sa sub-regional organizations para sa mas mabilis na pagtugon sa mga biktima ng anumang uri ng kalamidad.

Ipinag-utos naman ng Archdiocese of Nueva Segovia ang pagsasagawa ng assessment sa lawak ng pinsala ng malakas na lindol sa Ilocos region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 45,064 total views

 45,064 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 88,672 total views

 88,672 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 172,268 total views

 172,268 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 186,068 total views

 186,068 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 6,172 total views

 6,172 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top