Kabataan, hinimok ni Archbishop Tirona na makiisa sa Marian Youth Congress

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 830 total views

Inaanyayahan ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang mga kabataan ng arkidiyosesis na makiisa sa gagawing Marian Youth Congress.

Ayon sa arsobispo ito ang pagkakataong makibahagi ang kabataan sa paglalakbay ng simbahan lalo’t ang kanilang sektor ang inaasahan sa mga susunod na henerasyon.

“I invite all the young people in our Archdiocese to join the Congress through your parishes and schools; not only for you to learn and make new friends, but for you to also become partakers in our shared journey towards a more synodal church,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona.

Ang isasagawang pagtitipon ay bahagi ng paghahanda sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia at Divino Rostro sa Setyembre.

Gaganapin ang Marian Youth Congress sa September 10 at 11 mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas sais ng umaga sa apat na magkakahiwalay na formation sites.

Ibinahagi ni Archbishp Tirona na natatangi ang gagawing congress ng mga kabataan ngayong taon sapagkat tututok ito sa formative activities na makatutulong sa pagpalago ng kaalaman at kasanayan ng kabataan sa pakikibahagi sa misyon ng simbahan.

Susundan naman ito ng plenary ng mga kabataan upang balangkasin ang mabuong synthesis mula sa congress na nakatuon sa temang ‘Mary accompanies us in our journey toward’s a synodal Church’ (Si Maria nag-aantabay sa satng paglakbay na magin sinodal na Simbahan).’

Kaugnay nito hinimok ni Archbishop Tirona ang mga parokya sa buong arkidiyosesis na ipalaganap ang impormasyon sa detalye ng Marian Youth Congress at himukin ang mga kabataang makiisa sa mahalagang pagtitipon.

“May this coming Congress, and the celebration of the feasts of the Divino Rostro and Our Lady of Peñafrancia inspire us to continue journeying with Mary towards a church of true communion, participation and mission,” ani ng arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 13,291 total views

 13,291 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 43,515 total views

 43,514 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 70,165 total views

 70,165 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 165,138 total views

 165,138 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 185,588 total views

 185,588 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top