Apostolic Vicariate of Tabuk at Bontoc-Lagawe, nagpaabot ng panalangin sa mga apektado ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,068 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Apostolic Vicariate of Tabuk, Kalinga para sa mga apektado ng naganap na magnitude 7.3 na lindol sa lalawigan ng Abra at Ilocos Region.

Ayon kay Bishop Prudencio Andaya, Jr., ligtas naman ang apostoliko bikaryato sa banta ng pagyanig ngunit mayroong naitalang pagguho ng lupa sa bahagi ng Lubuagan at Bontoc.

Tiniyak naman ng Obispo ang pagsasagawa ng assessment upang matukoy ang mga naitalang pinsala sa kinasasakupan.

“We are so far safe here in Tabuk. Just that the traffic to Lubuagan and Bontoc is closed due to a landslide. We are vigilant for some news in other places here in the Apostolic Vicariate of Tabuk,” pahayag ni Bishop Andaya sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, naramdaman din sa Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang epekto ng lindol na nagdulot ng pinsala sa gusali ng ilang parokya.

Sinabi ni Bontoc-Lagawe Social Action Director Father Apol Dulawan na patuloy ang isinasagawang assessment sa apostoliko bikaryato para matukoy ang kalagayan ng iba pang parokya na apektado ng naganap na pagyanig.

“As of now, only three parishes have given me updates. In St. Mary Magdalene Catholic Mission, Lagawe, only broken glass of the church; Saint Joseph Catholic Mission, Kiangan, some buildings are damaged; and in Our Lady of Holy Rosary Catholic Mission, Kayan, Tadian has no major damage,” ayon kay Fr. Dulawan.

Naunang nagpaabot ng panalangin si Nueva Segovia Archbishop Marlos Peralta at Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng panalangin para sa kaligtasan ng mga residente.

Read: https://www.veritasph.net/kaligtasan-ng-bawat-isa-sa-panganib-na-dulot-ng-lindol-panalangin-ni-archbishop-peralta/
https://www.veritasph.net/pag-aalay-kapwa-at-panalangin-hiling-ng-caritas-philippines-para-sa-mga-napinsala-ng-lindol/

Naramdaman nitong umaga ng Hulyo 27 ang magnitude 7.3 na paglindol kung saan ang epicenter ay naitala sa Lagangilang, Abra.

Batay sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 25 kilometro.

Paalala naman ng ahensya sa publiko na panatilihin ang pagiging handa at pag-iingat sa posibleng epekto ng aftershocks.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,417 total reads

 73,417 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,533 total reads

 108,533 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,833 total reads

 143,833 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,102 total reads

 370,102 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,485 total reads

 259,485 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,953 total reads

 154,953 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top