Financial analyst, positibo sa SONA ng PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Naniniwala ang Financial Analyst na si Astro Del Castillo na makakamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga layunin sa State of the Nation Address na mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Castillo na siya ring Pangulo at Managing Director ng First Grade Finance, base sa mga naunang opisyal na datos ng Gross Domestic Product (GDP) at iba pang datos ng pag-unlad ng ekonomiya ay posible na maisakatuparan ang mga plano ng Pangulo.

“Naniniwala kami na kaya naman considering na it’s within the consensus, ayon narin sa mga kasamahan natin na ekonomista, na mga analyst hindi naman lumalayo actually within the range, so we’re saying na kaya naman actually”.pahayag ni Del Castillo sa Radio Veritas

Ikinagalak din ng Financial Analyst na natalakay ng Punong Ehekutibo ang pagkakaroon ng tugon sa limang pangunahing krisis na kinakaharap ng Pilipinas

Ito ay ang mga krisis sa kalusugan, suplay ng pagkain, enerhiya, mabilis na inflation rate at climate change.

“On the fiscal side yung sabihin nalang natin yung simplify the tax compliance procedures para ma boost yung ating revenues, yung ita-tax yung online purchases idi-digitalize na iyon ng gobyerno ibig sabihin pati yung ating mga financial transactions ay mas mapapabilis malaking tulong yan sa revenue collection,” ayon pa kay Del Castillo.

Sa kaniyang naging SONA ay tinalakay ni Pangulong Marcos ang layuning makamit ang hanggang sa 7.5% na GDP rate ngayong 2022 at hanggang 8% GDP Growth Rate sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2028.

Bagamat naitala naman ang mataas na na 8.3% GDP Growth para sa 1st quarter ng 2022 ay umabot parin sa mabilis na 6.1% ang inflation rate noong Hunyo at pumalo sa 2.73-milyong unemployment rate noong Mayo.

Sa Inaguration Day ni Pangulong Marcos noong June 30, naging panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tugunan ang mga pangunahing krisis na kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 31,401 total reads

 31,401 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 62,673 total reads

 62,673 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 140,623 total reads

 140,623 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 234,850 total reads

 234,850 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 294,203 total reads

 294,203 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top