Diocese of Laoag at Diocese of Ilagan, maghahatid ng tulong sa Diocese of Bangued

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,330 total views

Maghahatid ng tulong ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte para sa mga naapektuhan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra.

Ito ang tiniyak ng Social Action Center ng Diyosesis matapos na makaiwas sa malaking pinsala ang kanilang lalawigan mula sa malakas na paglindol noong Miyerkules.

Ayon kay Heneng Nieto, Coordinator ng Social Action ng Diocese of Laoag, bukas ay inaasahan na tutungo ang kanilang grupo sa Diocese of Bangued para maghatid ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Sinabi ni Nieto na tugon ito sa kagustuhan ni Laoag Bishop Renato Mayugba na agad na magbahagi ng pagdamay at pakikiisa sa kanilang karatig lalawigan na napinsala ng paglindol.

“nagpe-prepare na kami ng goods, mamaya magsisimula na kami na mag-repack, sa Abra muna ang target ni Bishop [Mayugba] bukas, may dalawang Pari na kasama yun isa yung Assistant Program Director namin dito [Social Action]” pahayag ni Nieto sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Mother Mary Peter Camille Marasigan FLDP ng Diocese of Ilagan sa Isabela na magbabahagi din sila ng tulong sa mga lalawigan na napinsala ng lindol.

Ayon kay Mo. Camille, ipinag-utos na ni Bp. David William Antonio ang pagsasagawa ng second collection sa 43 Parokya sa Diocese of Ilagan para ipangtulong sa mga karatig Diyosesis na napinsala ng Magnitude 7 earthquake.

“Mag-second collection kami sa Sunday sa lahat ng Parokya yan ang una instruction ni Bishop [Antonio], kahit naman noong nagkaroon ng landslide sa Ifugao nagpadala din kami ng tulong na kaunti, ngayon hihintayin lang namin hanggang Sunday” pahayag ng Madre sa panayam ng Radyo Veritas.

Bagamat napapasalamat si Mo.Camille na hindi na nagdulot pa ng pinsala ang lindol sa kanilang lalawigan ay nagpapahayag naman sila ng pagdarasal at pakikiisa sa mga apektadong pamilya partikular na sa Diocese ng Bangued at Archdiocese of Nueva Segovia.

Magugunitang una nang umapela ng tulong ang dalawang pinaka naapektuhan Diyosesis sa Northern Luzon para sa ano mang tulong at donasyon.

See: https://www.veritasph.net/simbahan-sa-northern-luzon-umaapela-ng-tulong/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 28,333 total views

 28,333 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 113,092 total views

 113,092 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 130,792 total views

 130,792 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 176,154 total views

 176,154 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 77,235 total views

 77,235 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top