Pamahalaan, hinimok ng Obispo na talikuran ang pamumuhunan sa fossil gas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total views

Igiinit ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na dapat maging prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental ang pagsusulong sa renewable energy sa halip na patuloy na mamuhunan sa fossil gas.

Ito ang tugon ni Bishop Alminaza, convenor ng REpower Negros hinggil sa hamon ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo sa mga tumututol sa 300 Megawatt liquified natural gas (LNG) project ng San Miguel Corporation sa lalawigan.

Hinamon ni Gustilo ang mamamayan na kung talagang tutol ang mga ito sa fossil fuel ay dapat simulan na rin nilang itigil ang pagtangkilik sa kanilang mga ginagamit na kuryente.

Sang-ayon naman si Bishop Alminaza sa sinabi ng alkalde ngunit ito ang matagal nang panawagan ng mamamayan ng Negros na dapat tutukan ng lokal na pamahalaan.

“That residents of San Carlos and the province have no choice but to rely on dirty energy is something which we have been lamenting about for long, and is precisely the problem that we are asking him to help address,” pahayag ni Bishop Alminaza na siya ring vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – NASSA/Caritas Philippines.

Ang Negros Island ay tinaguriang renewable energy capital ng Pilipinas na may power generation plants na lumilikha ng halos 100 porsyento ng malinis na enerhiya.

Iginiit ni Bishop Alminaza na lumilikha ang Negros Island ng malaking kapasidad ng malinis na enerhiya, gayunman hindi ito lubos na nagagamit at napapakinabangan ng mamamayan.

“Allowing LNG to enter our shores diverts our attention from maximizing truly sustainable energy while subjecting host communities and the environment – including the bountiful marine life of Tañon Strait – to pollution and disturbance, as well as an intensifying climate crisis,” dagdag ni Bishop Alminaza.

Matagal nang nananawagan si Bishop Alminaza kasama ang ilang grupo laban sa LNG projects ng San Miguel Corporation gayundin sa hiling na bawiin ang resolution of non-objection (RONO) mula sa Sangguniang Panlalawigan, na hindi makatwirang ibinigay para sa proyekto.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang pagpapalawak ng paggamit sa renewable energy upang matugunan ang kakulangan sa kuryente, at palitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 34,829 total views

 34,829 total views Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 53,109 total views

 53,109 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 117,045 total views

 117,045 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 186,439 total views

 186,439 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 216,860 total views

 216,860 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 248,690 total views

 248,690 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 45,444 total views

 45,444 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top