Eksperto, nagbabala sa epekto ng ‘monkeypox’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 66,530 total reads

Binigyang linaw ng mga eksperto na malaki ang kaibahan ng hawaan, sintomas, at epekto ng ‘monkeypox’ sa COVID-19.

Aminado si Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force against COVID-19, na mababa lang ang tiyansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng may monkeypox kumpara sa COVID-19.

Gayunman, nagbabala ang eksperto na maari ring malala ang epekto ng monkeypox na hahantong sa pagkamatay ng pasyente na mahina ang immune system.

“Kaya rarely fatal po hindi kasi katulad ng COVID, lalo na in the first part na it attacks respiratory systems so nahihirapan huminga doon… Ito [monkeypox] kasi ang presentation niya [at] ang pag-atake ay sa skin. Though ang problema lang kung mahina ang immunity mo pwede kang mawala. In fact, ‘yung mga namatay na binanggit natin ay hindi elderly, so ibig sabihin may special population silang inaatake,” pahayag ni Leachon sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng eksperto na posibleng makahawa ang isang taong may monkeypox kung magkakaroon ito ng skin-to-skin o close physical contact sa kaniyang makakasalamuha.

Maaari ring maipasa ang sakit kapag kumapit sa kahit na sino ang respiratory droplets ng isang taong may monkeypox matapos itong umubo o bumahing.

Ayon sa pag-aaral at obserbasyon ng World Health Organization (WHO), maaari ring magkaroon ng hawaan ng sakit sa pamamagitan ng sexual contact.

Base sa datos, 95% ng kabuuang kaso ay naipasa sa pagkakaroon ng sexual activity at 98% ng mga infected ng monkeypox ay kabilang sa LGBTQ+ community.

Paliwanag naman ni Leachon na walang pinipiling kasarian ang hawaan at kahit sinong may malapit na contact sa infected ng monkeypox o tinutukoy na vulnerable ay maaari pa ring mahawaan.

“Iniingatan po natin na ma-stigamitize po yung kanilang grupo ‘yung LGBTQ, and perhaps siguro kailangan lang natin i-clear with transparency without offending anyone about this kasi hindi naman po ito sakit for everyone,” saad niya.

Kabilang sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat, panghihina ng katawan, pagkahilo, namamagang kulani, at mga rashes sa mukha, dibdib, paa, kamay, at maging sa maseselang bahagi ng katawan.

Sa loob ng isa hanggang tatlong araw na lagnat, ang mga rashes ay magsisimula nang magkaroon ng mga sugat sa balat hanggang sa maglangib ito at tuluyang matuyo.

Ayon sa eksperto, ang paggaling ng pasyenteng may monkeypox ay inaabot lamang ng 21 hanggang 28 araw, mas maikli kumpara sa mga pasyente ng COVID-19.

Pahayag ni Leachon, kinakailangang magkaroon ng mabilis na pagtugon ang pamahalaan sa paghahanda ng posibleng pagbabakuna sa mga infected ng monkeypox bagamat kaunti pa lamang ang kaso nito sa bansa.

“Prevention po ay bakuna, ‘yun pong ginagamit sa smallpox dati, dahil ito po ay same genetic material. 70- 80% ay will be effective against the monkeypox. Kaya lang po, we need to apply for a compassionate use because ‘yung smallpox vaccine ay para sa smallpox [na] gagamitin sa monkeypox,” paliwanag ng eksperto.

Unang inihayag ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas na 31 taong gulang na pasyente na dumating sa bansa noong July 19 at nagpositibo sa sakit noong July 28.

Iniulat din ng DOH, ang isang Pilipinong nahawaan ng sakit at kasalukuyang nasa isolation sa Singapore General Hospital.

Sa huling tala ng Centers for Disease Control and Prevention, higit 23,000 na ang naitalang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng monkeypox sa buong mundo.

(With Veritas News Intern – Chris Agustin)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 14,787 total reads

 14,787 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 113,815 total reads

 113,815 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 196,845 total reads

 196,845 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 291,177 total reads

 291,177 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 352,268 total reads

 352,268 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 347,378 total reads

 347,378 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 453,473 total reads

 453,473 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top