Diocese of Mati, ramdam ang lakas ng 5.6 magnitude na lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 846 total reads

Walang naitalang pinsala at nasaktan sa naganap na magnitude 5.6 earthquake sa Davao Oriental kaninang alas-3:19 ng madaling araw.

Ayon kay Diocese of Mati Bishop Abel Apigo, bagamat may kalakasan ang pagyanig ay wala namang naging pinsala sa katedral at mga parokyang sakop ng diyosesis.

“Medyo malakas ‘yung lindol kanina pero safe naman kami dito sa Diocese. Kinamusta ko rin ‘yung ibang parokya at sabi nila wala namang naging damages sa mga simbahan at iba pang buildings,” pahayag ni Bishop Apigo sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ay nasa 51 kilometro timog-silangan ng Manay, Davao Oriental.

Tectonic naman ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 20 kilometro.

Babala ng ahensya na asahan ang posibleng epekto ng aftershocks anumang oras.

Dalangin naman ni Bishop Apigo ang patuloy na kaligtasan ng bawat isa sa mga nagaganap na sakuna sa kapaligiran lalo na ang mga lubhang naapektuhan ng magnitude 7.3 earthquake sa Northern Luzon noong nakaraang linggo.

“Patuloy nawa tayong gabayan at iligtas ng Panginoon sa mga ganitong uri ng sakuna lalong lalo na sa mga naapektuhan ng paglindol sa Northern Luzon. Mahanap nila muli ang liwanag ng pag-asa mula sa mga kinakaharap na pagsubok,” panalangin ni Bishop Apigo.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 410 ang kabuuang bilang ng mga nasaktang indibidwal sa naganap na paglindol habang 10-katao naman ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,088 total reads

 72,088 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,314 total reads

 107,314 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,614 total reads

 142,614 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,883 total reads

 368,883 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,317 total reads

 258,317 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,919 total reads

 154,919 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top