“Outstanding Statesman for Peace”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total views

Ganito inilarawan ng Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) si dating Pangulong Fidel V. Ramos na pumanaw sa edad na 94 na taong gulang noong ika-31 ng Hulyo, 2022.

Nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni dating Pangulong Ramos ang PEPP na magkatuwang na pinamumunuan nina Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, SJ, at Ecumenical Bishops Forum The Rt. Revd. Rex Reyes Jr.

Ayon sa PEPP, bukod sa mahalagang partisipasyon ng dating pangulo EDSA People Power revolution ay hindi matatawaran ang pagsusumikap ni FVR na makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng principled negotiations ng pamahalaan sa mga rebeldeng grupo sa bansa.

“FVR: An Outstanding Statesman for Peace. The Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) grieves the passing of former President Fidel V. Ramos on July 31, 2022. We extend our deepest sympathies to the members of his bereaved family. His legacy as a minted member of the Armed Forces of the Philippines who heeded the clamor of the people at EDSA and his subsequent commitment to attaining true and lasting peace through principled negotiations during his presidency will always shine as bright honors to the Filipino people,” pahayag ng PEPP.

Hinahangaan ng PEPP ang determinasyon ni FVR na isulong ang ganap na kapayapaan sa bansa sa pagbubukas ng tanggapan at pakikinig sa mga peace advocates.

“We mourn the loss of an outstanding statesman for peace. An individual who would always welcome peace advocates to his office, an advocate who would travel and give time to speak to venues near and far about peace, and a kind humble human being who lived and dreamed to see peace prevail throughout the Philippines,” dagdag ng PEPP.

Tinukoy ng PEPP ang pagbubuo ng Office of the Presidential Advisor for the Peace Process (OPAPP) sa ilalim ng Executive Order 125 at ang National Unification Commission (NUC) na nagsilbing tagapangasiwa sa serye ng konsultasyon ng pamahalaan sa pagitan ng iba’t ibang sektor sa lipunan.

Tiniyak naman ng Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) ang patuloy na pagsusulong sa misyon at adbokasiya ng dating pangulo na makamit ang ganap at pangmatagalang kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo sa mga rebeldeng grupo.

Si Ramos ang ika-12 pangulo ng Pilipinas na naglingkod mula taong 1992 hanggang 1998, siya rin ang ikalawang pangulo na naglingkod sa ilalim ng 5th Republic mula ng maratipikahan ang 1987 Constitution ng bansa.

Ayon sa ulat sumakabilang-buhay si Ramos dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19 habang naka-confine sa Makati Medical Center noong ika-31 ng Hulyo, 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 10,714 total views

 10,714 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 40,937 total views

 40,937 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 67,588 total views

 67,588 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 162,561 total views

 162,561 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 183,210 total views

 183,210 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top