Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ni FVR, kinilala ni Cardinal Advincula

Nakiramay ang Archdiocese of Manila sa pamilya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na pumanaw noong July 31.

Ayon kay Jose Cardinal Advincula, magandang alalahanin ang mabubuting halimbawa na ipinamalas ng administrasyong Ramos sa paglilingkod sa mga Pilipino.

Tinuran ng arsobispo ang pagtaguyod ng dating pangulo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa at maayos na pamayanan.

“The Archdiocese of Manila expresses deep sorrow at the passing of former President Fidel V. Ramos and extends condolences to his beloved family. Recalling his service to the peace, freedom and prosperity of the Filipino people, we humbly commend his soul to the Almighty and merciful God. His life was marked by love of country and an all-embracing commitment to justice and peace,” pahayag ni Cardinal Advincula sa panayam ng Radio Veritas.

Kinilala ni Cardinal Advincula ang kababaang loob at buong suporta na ipinakita ni dating Pangulong Ramos nang bumisita sa Pilipinas si Pope St. John Paul II noong 1995 para sa pagdiriwang ng World Youth Day.

“The success of the Tenth World Youth Day held in Manila can be attributed to his zeal and magnanimity in going through the details of the preparations himself,” ani ng Cardinal.

Ayon naman kay 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. isa sa magandang legacy na iniwan ni Ramos sa bansa ang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa mapayapang EDSA People Power Revolution laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Tiniyak ni Cardinal Advincula ang panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng dating punong ehekutibo ng bansa.

“As a grateful nation, the former President will be well remembered in our prayers,” saad ni Cardinal Advincula.

Naunang nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Military Ordinariate of the Philippines sa pamilya Ramos.

Read: https://www.veritasph.net/mop-nagpaabot-ng-pagbati-at-panalangin-sa-bagong-afp-chief-of-staff/

Tinagurian naman ng Philippine Ecumenical Peace Platform si FVR na “Outstanding Statesman for Peace”.

Read: https://www.veritasph.net/outstanding-statesman-for-peace/

Si Ramos ang ika – 12 ng pangulo ng Pilipinas na naglingkod mula 1992 hanggang 1998.

Sumakabilang buhay ang dating pangulo dahil sa komplikasyong dulot ng coronavirus disease.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
ads
ads
ads
2
3
4
ads
ads
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe us to receive latest News & Update in your inbox