Panunumbalik ng sigla sa bawat parokya, inaasahang resulta ng PCNE 8

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 881 total reads

Naging makabuluhan ang isinagawang 2-day conference ng ikawalong Philippine Conference on New Evangelization sa San Carlos Seminary Auditorium sa Makati City.

Pinangunahan ni San Pablo, Laguna Bishop Buenaventura Famadico ang banal na Misa bilang pagtatapos ng dalawang araw na pagpupulong at talakayan.

Sa pagninilay, sinabi ni Bishop Famadico, dating chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Clergy na may mga pagkakataong hindi natutupad ng tao ang kanyang mga gustong plano sa buhay.

Ipinaliwanag ng Obispo na marahil ito’y pagsubok lamang na ipinagkaloob ng Diyos bilang paghahanda sa kanyang mas magandang plano sa buhay ng tao.

“It is in that moment when we realize we are no longer the ones running things that we start to acknowledge but it is God who is now working,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Famadico.

Tema ng pagpupulong ang “Transforming Parishes 2022” na layong suriin ang iba’t ibang pagsubok na kinakaharap ng simbahan lalo nitong nakalipas na dalawang taon ng pandemya.

Batid na naging mahirap ang pinagdaanan ng mga parokya nitong pandemya kung saan naging pagsubok ang pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.

Ayon naman kay PCNE Director Father Jayson Laguerta, nawa’y makatulong ang naganap na 2-day conference upang muling maibalik ang sigla sa bawat parokya at komunidad, at maging handa muli ang mga mananampalataya na tanggapin ang mga salita ng Diyos bilang gabay sa buhay.

“Nakita naman ng mga pari na kailangan talaga ng Evangelization o ng pagpapahayag ng salita ng Diyos, ng mabuting balita. Kaya kahit man may pandemya o wala, kailangan pa rin ‘yung misyon ng simbahan ay ipagpatuloy at nangyayari ‘yan kapag tayo ay nag-aanyaya, nagbubukas ng sarili sa mga tao, hindi lang sa loob ng simbahan kung hindi pati na rin sa labas,” ayon kay Fr. Laguerta sa panayam ng Radio Veritas.

Ang two-day conference ng PCNE 8 ay dinaluhan ng halos-500 indibidwal na binubuo ng mga obispo, pari at relihiyoso mula sa iba’t ibang diyosesis na pangunahing tagapagtaguyod sa mahigit tatlong libong parokya sa bansa at sa mga komunidad.

Inorganisa ito ng Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila sa pakikipagtulungan ng CBCP – Episcopal Commission on Mission at Clergy, Alpha Asia Pacific – Catholic Context, at Divine Renovation Ministry.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 23,033 total reads

 23,033 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 43,796 total reads

 43,796 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 81,174 total reads

 81,174 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 112,442 total reads

 112,442 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 186,893 total reads

 186,893 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 278,954 total reads

 278,954 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,888 total reads

 74,888 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top