Magsisimba sa simbahang may kaugnayan sa Papal Basilica ng Santa Maria Maggiore, makakatanggap ng plenary indulgence

Makatatanggap ng plenaryo indulhensya ang mananampalatayang dadalaw sa mga simbahang may kaugnayan sa Papal Basilica ng Santa Maria Maggiore sa Roma.

Ito ay kasabay sa paggunita ng pagtatalaga ng Papal Basilica ngayong ikalima ng Agosto, 2022.

Sa Pilipinas 11 simbahan ang may Spiritual Affinity Bond sa Papal Basilica ng Santa Maria Maggiore.

Kabilang dito ang Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag sa Pangasinan; Archdiocesan Shrine of Our Lady of Caysasay sa Batangas; Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani sa Bataan; Diocesan Shrine of Nuestra Señora de los Dolores de Turumba sa San Pablo Laguna; Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa Quezon City; Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de la Caridad de Bantay sa Ilocos Sur; Diocesan Shrine of Nuestra Señora de Guadalupe de Extremadura, Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Asuncion de Dauis at Nuestra Señora de la Luz de Loon na pawang matatagpuan sa Bohol; Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Merced de Novaliches at ang Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Merced de Tarlac.

Ang sinumang dadalaw at dadalo ng banal na misa sa mga nabanggit na simbahan ngayong araw ay makatatanggap ng plenary indulgence bilang nakikiisa sa pagdiriwang sa Roma.

Ang Basilica ng Santa Maria Maggiore ang isa sa apat na Roman Basilica o patriarchal churches na matatagpuan din ang relic ng sabsaban kung saan ipinanganak si Hesus at dinadayo ng mga deboto.

Dito rin nag-aalay ng panalangin at bulaklak si Pope Francis tuwing makakabalik ng Roma mula sa mga Apostolic Visit.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
ads
ads
ads
2
3
4
ads
ads
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe us to receive latest News & Update in your inbox