Isabuhay ang gawi ni Hesus, hamon ng Papal Nuncio to the Philippines sa mga seminarista

Hinimok ng kinatawan ng Vatican sa Pilipinas ang mga seminarista ng Archdiocese of Lingayen Dagupan na ituon ang sarili kay Hesus.

Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa pagbukas ng academic year 2022 – 2023.

Binigyang diin ng arsobispo na bilang paghahanda ay dapat mahubog ang bawat kabataan sa mga halimabawa ni Hesus na buong kababaang loob sumunod sa kalooban ng Ama.

“Dear seminarians, model your life on Jesus. Imitate the Mass, which is the self-giving of Jesus. And that has to be our model and image, our way of living our vocation as future priests,” ayon ni Archbishop Brown.

Pinangunahan ng nuncio ang Mass of the Holy Spirit na ginanap sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City para sa Mary Help of Christian Seminaries System at lahat ng mga Catholic schools na sakop ng arkidiyosesis nitong August 4 kasabay ng kapistahan ni San Juan Maria Vianney na tinaguriang patron ng mga pari.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Brown iginiit ng opisyal na ang mga seminaryo ang puso ng diyosesis sa paghubog ng mga kabataan.

“The seminary is the heart of the diocese. The seminary is the place where young men are preparing for a beautiful and glorious vocation to be diocesan priests,” saad ng nuncio.

Batid ni Archbishop Brown ang iba’t ibang kahinaan ng mga lingkod ng simbahan subalit hamon nito sa bawat isa lalo na ang mga hinuhubog na maging pari na isabuhay si Hesus sa Eukaristiya para sa paglilingkod sa kawan ng Panginoon.

“This is exactly what the people want; they want priests who have Jesus’ heart; priests who will represent Jesus to the people,” sinabi ni Archbishop Brown.

Pinasalamatan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang kinatawan ni Pope Francis sa pagpaunlak na maging punong tagapagdiwang sa Holy Spirit Mass kung saan dama ng bawat mananampalataya ang pakikiisa ng Santo Papa sa arkidiyosesis.

Tiniyak ni Archbishop Villegas ang pakikiisa sa misyon ni Archbishop Brown sa paghahayag ng mabuting balita sa pamayanan at pagpapalago sa misyon ni Hesus sa sangkatauhan.

“Thank you for showing us the face of Jesus. Thank you for showing the face and the voice of God. Today we have heard your call, and we will go with you everywhere to make sure that the voice of God is heard by all people,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas.

Samantala ikinagalak ng mga seminarista ng Archdiocese of Lingayen Dagupan ang pagdalaw ng nuncio.

Ayon kay First Year Philosophy Seminarian Denzel Rapato, nagsilbi itong inspirasyon sa mga seminarista na ipagpatuloy ang bokasyon sa paglilingkod sa Panginoon at sa kawan.

Sinabi ni Rapato sa Radio Veritas na biyaya sa arkidiyosesis ang pakikiisa ng kinatawan ni Pope Francis lalo na sa pagpapalago ng bokasyon.

“Yung pagbisita ni nuncio sa archdiocese ang nagsisilbing spark na magpapalakas ng apoy at alab para sa bokasyon ng mga kabataan, sa mga seminaristang nais magpari,” pahayag ni Rapato sa himpilan.

Batay sa datos ng Catholic Hierarchy nasa isa punto dalawang milyon ang mga katoliko sa lugar o katumbas sa 83 porsyento sa kabuuang populasyon, 120 ang mga pari na nangangasiwa sa mahigit 50 parokay sa ilalim ng pamumuno ni Archbishop Villegas.

Kasabay ng Holy Spirit Mass ang pagbabasbas at pagdambana sa imahe ng Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag sa Dagupan Cathedral.

Binisita rin ni Archbishop Brown ang isa sa tatlong seminaryo ng arkidiyosesis ang Mary Help of Christian Seminary for Theology sa Palapad, San Fabian Pangasinan.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
ads
ads
ads
2
3
4
ads
ads
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe us to receive latest News & Update in your inbox