Patawan ng dagdag na buwis ang mayayaman, hamon ng FDC sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 975 total reads

Ipataw ang karagdagang buwis sa mga mayayamang kompanya, negosyo at indibidwal na gagamitin sa pagbangon ng ekonomiya at pagbabayad ng utang ng Pilipinas.

Ito ang apela ng Freedom from Debt Coalition (FDC) sa pamahalaan matapos i-ulat ng Bureau of Treasury (BoT) na umabot sa 12.79-trilyong piso ang ipinasang utang ng administrasyong Duterte sa administrasyong Marcos.

“Kasi ang ililigtas nila hindi lamang ang bayan at ekonomiya kungdi ang sarili nila, delikado din ang sitwasyon nila kapag lumobo ang krisis kapag sumabog ng husto ang krisis sa utang tatamaan din ang mga negosyo nila,”pahayag ni Rene Ofreneo sa panayam ng Radio Veritas

Inihayag ng National President ng F-D-C na napapanahon ng ipabatid sa mga malalaking kompanya ang kahalagahan ng wealth tax.

Inihayag ni Ofreneo na isang hamon sa pamahalaan ang paglutas sa suliranin sa utang na lalung pagpapalala ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya at digmaan.

Pinayuhan naman ni Elijah San Fernando – Vice-president ng FDC ang administrasyong Marcos na palakasin ang local na sektor ng ekonomiya sa halip na dagdagan pa ang utang panlabas ng bansa.

Tinukoy ni San Fernando ang pagpapalakas ng produksyon ng ibat-ibang produkto higit ang suplay ng pagkain, panunumbalik sa pamahalaan ng pamamalakad sa mga serbisyo ng kuryente, tubig, tranportasyon, health care at mga produktong petrolyo.

Nanindigan ang FDC na kailangang isulong ng pamahalaan ang people’s economy.

Ang naitalang 12.79-trillion pesos na outstanding debt ng Pilipinas ay katumbas ng 115-libong pisong utang ng bawat Pilipino.

Sa liham ng ipinadala ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa International Monetary Fund at World Bank ay ipinanawagan nito ang pagbabawas ng international banks sa utang ng mga pinakamahihirap na bansa upang maibsan krisis pang-ekonomiya na dulot ng COVID-19 Pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,285 total reads

 78,285 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,936 total reads

 112,936 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,236 total reads

 148,236 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 374,505 total reads

 374,505 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,681 total reads

 263,681 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top