Kaligtasan ng mamamayan, panalangin ng Obispo sa bantang panganib ng “The Bigger One”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,017 total reads

Ipag-adya ang sambayanang Pilipino sa panganib ng malakas na paglindol at tsunami.

Ito ang dalangin ni Maasin, Southern Leyte Bishop Precioso Cantillas kaugnay sa pangambang dulot ng “The Bigger One” o ang Leyte Fault Line sa Eastern Visayas.

Kasunod ito ng pahayag ng Eastern Visayas Office of Civil Defense na dapat paghandaan ang posibleng mangyari sakaling gumalaw ang nasabing fault line.

Nilinaw naman ng ahensya na hindi nito intensyong magdulot ng pangamba sa publiko bagkus ay magbigay ng impormasyon at kahalagahan ng kahandaan sa lindol at epekto nito.

(BOLD) Panalangin laban sa banta ng “The Bigger One” ni Maasin Bishop Precioso Cantillas:

“Panginoon, Ikaw ang makapangyarihan sa lahat. Dumudulog kami sa Iyo sa panahon ng aming pagkabahala at pagkatakot sa balita na posibleng malakihan ang pinsala ng pinangangambahang malaking pagguho ng lupa dahil sa malaking fault line sa Eastern Visayas.

Kaawaan Mo kami, O Diyos, at nawa’y ipag-adya Mo kami sa kinakatakutang lindol at tsunami. Nawa’y mapasaamin ang Iyong walang hanggang awa at pagkalinga, sa tulong ng mga Santo at ng Mahal naming Ina, ang Birheng Maria. Amen.”

Nauna nang tiniyak ni Maasin Diocesan Social Action Director Fr. Harlem Gozo na paiigtingin ng diyosesis ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga parokya bilang paghahanda sa epekto ng “The Bigger One”.

Batay sa pagsusuri ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kapag umabot sa magnitude 7 ang lakas ng paglindol, ang nasabing fault line ay maaaring magdulot ng tsunami sa mga lugar na malapit sa Pacific Ocean tulad ng Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, at Southern Leyte.

Ang Leyte Fault Line ay itinuturing na pinakamalaking fault line sa bansa kumpara sa “The Big One” o Marikina West Valley Fault.

Ito rin ay bahagi ng 1,200 kilometrong habang Philippine fault zone, na isang malaking tectonic feature na binabagtas ang buong Philippine archipelago mula hilagang-kanlurang Luzon patungong timog-silangang Mindanao.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 25,548 total reads

 25,548 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 48,419 total reads

 48,419 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 87,689 total reads

 87,689 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 121,817 total reads

 121,817 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 178,223 total reads

 178,223 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,851 total reads

 178,851 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top