Patawan ng dagdag na buwis ang mayayaman, hamon ng FDC sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 941 total reads

Ipataw ang karagdagang buwis sa mga mayayamang kompanya, negosyo at indibidwal na gagamitin sa pagbangon ng ekonomiya at pagbabayad ng utang ng Pilipinas.

Ito ang apela ng Freedom from Debt Coalition (FDC) sa pamahalaan matapos i-ulat ng Bureau of Treasury (BoT) na umabot sa 12.79-trilyong piso ang ipinasang utang ng administrasyong Duterte sa administrasyong Marcos.

“Kasi ang ililigtas nila hindi lamang ang bayan at ekonomiya kungdi ang sarili nila, delikado din ang sitwasyon nila kapag lumobo ang krisis kapag sumabog ng husto ang krisis sa utang tatamaan din ang mga negosyo nila,”pahayag ni Rene Ofreneo sa panayam ng Radio Veritas

Inihayag ng National President ng F-D-C na napapanahon ng ipabatid sa mga malalaking kompanya ang kahalagahan ng wealth tax.

Inihayag ni Ofreneo na isang hamon sa pamahalaan ang paglutas sa suliranin sa utang na lalung pagpapalala ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya at digmaan.

Pinayuhan naman ni Elijah San Fernando – Vice-president ng FDC ang administrasyong Marcos na palakasin ang local na sektor ng ekonomiya sa halip na dagdagan pa ang utang panlabas ng bansa.

Tinukoy ni San Fernando ang pagpapalakas ng produksyon ng ibat-ibang produkto higit ang suplay ng pagkain, panunumbalik sa pamahalaan ng pamamalakad sa mga serbisyo ng kuryente, tubig, tranportasyon, health care at mga produktong petrolyo.

Nanindigan ang FDC na kailangang isulong ng pamahalaan ang people’s economy.

Ang naitalang 12.79-trillion pesos na outstanding debt ng Pilipinas ay katumbas ng 115-libong pisong utang ng bawat Pilipino.

Sa liham ng ipinadala ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa International Monetary Fund at World Bank ay ipinanawagan nito ang pagbabawas ng international banks sa utang ng mga pinakamahihirap na bansa upang maibsan krisis pang-ekonomiya na dulot ng COVID-19 Pandemic.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 19,756 total reads

 19,756 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 20,390 total reads

 20,390 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 38,692 total reads

 38,692 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 76,070 total reads

 76,070 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 107,338 total reads

 107,338 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 182,169 total reads

 182,169 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 274,457 total reads

 274,457 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top