Programa ng Makati City laban sa climate change, pinuri ng ecology ministry ng Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,481 total reads

Suportado ng Archdiocese of Manila-Ministry on Ecology ang hakbang ng Makati City Government upang tugunan ang lumalalang epekto ng climate change sa lungsod.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Makati City na isailalim sa state of climate emergency ang lungsod sanhi ng pagbabago ng klima ng kapaligiran.

Ayon kay Ecology Ministry Director Fr. Ric Valencia, nakababahala na ang mga pagbabago ng klima na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayan lalo na sa Metro Manila.

Tinukoy ni Fr. Valencia ang lumalalang epekto ng polusyon sa hangin at pagtaas ng temperatura ng kapaligiran sanhi ng mga usok na nagmumula sa mga sasakyan at iba pang gawain ng tao.

“‘Yung adhikain ni Mayor Binay ay sana gawin ng lahat ng local government kasi ang mga LGU naman ang may kakayahang magpatupad niyan e. Full support din ang Archdiocese of Manila sa ikabubuti ng kapaligiran,” ayon kay Fr. Valencia.

Sa kasalukuyan, mahigpit na ipinapatupad sa Makati ang Solid Waste Management Code, Makati Green Building Code, plastic ban sa mga tahanan at business establishments, cigarette smoking ban, Anti-Smoke Belching Ordinance, at ang Greenhouse Gas Reduction Ordinance.

Binabalak rin ng lokal na pamahalaan na maglunsad ng humigit-kumulang 30 hanggang 50 electric bus sa taong 2024 bilang bahagi ng mga hakbang tungo sa pagbuo ng “smart and green” public transport system.

Umaasa naman si Fr. Valencia na tutularan ng ibang lokal na pamahalaan lalo na sa Metro Manila ang hakbang ng Makati City Government upang tuluyan nang matugunan ang lumalalang epekto ng nararanasang krisis sa kapaligiran.

Batay sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagkaroon ng 0.75 degrees Celsius na pagtaas sa taunang temperatura ng bansa sa nakalipas na 70 taon.

Inaasahang pagsapit ng taong 2050 ay aabot na sa 1.8 degrees Celsius ang antas ng temperatura sa bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,894 total reads

 18,894 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,573 total reads

 19,573 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 37,436 total reads

 37,436 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,814 total reads

 74,814 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 106,082 total reads

 106,082 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,971 total reads

 180,971 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 273,336 total reads

 273,336 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,591 total reads

 74,591 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top