Programa ng DOST, i-aalign sa socio-economic agenda ng administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 964 total reads

Nangako ang bagong kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) na ipagpapatuloy at paiigtingin ang mga nasimulang programa ng nakaraang administrasyon upang makatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan.

Tiniyak ni bagong DOST Secretary Renato Solidum na patuloy na magiging epektibo ang iba’t ibang ahensyang saklaw ng kagawaran batay na rin sa mga layunin at programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mamamayan.

“Magaganda po ang programa ng DOST at ang kailangan po nating gawin ay puliduhin at i-allign ang mga programa ayon doon sa socio-economic agenda ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. upang makatulong tayo sa paglutas ng mga suliraning hinaharap ng ating bansa,” pahayag ni Solidum sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ng kalihim ang priority programs ng DOST tulad ng pagbibigay ng hanapbuhay sa tulong ng science, technology and innovation; food and health and resilience program; pagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng hybrid technology; at ang patuloy na pagtataguyod sa DOST Scholarship Program.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati ang dating kalihim ng DOST na si Dr. Fortunato dela Peña sa pagkakahirang kay Solidum bilang bagong kalihim ng kagawaran.

Ayon kay dela Peña, tiyak na maaayos na magagampanan ni Solidum ang pagiging DOST Secretary upang patuloy na paglingkuran ang mamamayang Pilipino.

“He is a model public servant and I am very confident that he will continue with DOST’s programs/projects/activities in bringing science to serve our people and in bringing progress, inclusiveness, and competitiveness for our country through science, technology and innovation,” pahayag ni dela Peña.

Taong 1984 nang magsimula si Solidum sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at naging direktor noong 2003 hanggang Pebrero 2017.

Itinalaga naman siya noong 2017 bilang DOST Disaster Risk Reduction Climate Change Adaptation Undersecretary ngunit nagpatuloy bilang officer-in-charge ng Phivolcs.

Si Solidum ay mayroong bachelor’s degree in Geology mula sa University of the Philippines, master’s degree in Geological Sciences mula sa University of Illinois, at doctorate degree in Earth Science mula naman sa University of California.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,578 total reads

 18,578 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,280 total reads

 19,280 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,840 total reads

 36,840 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,218 total reads

 74,218 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,487 total reads

 105,486 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,423 total reads

 180,423 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,812 total reads

 272,812 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,568 total reads

 74,568 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top