Pagtatag ng food bank sa bawat Diyosesis at Arkidiyosesis, suportado ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 813 total reads

Suportado ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) ang inisyatibong food bank sa bawat diyosesis bilang naaangkop na lugar sa pag-iimbak ng mga natatanggap na relief goods sa panahon ng sakuna.

Ayon kay LASAC Director Fr. Jayson Siapco, magandang layunin ito lalo na sa mga lugar na madalas na dinadaanan ng malalakas na bagyo taon-taon.

“Food bank is a welcome initiative. This is good to be initiated in dioceses,” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay na rin ito sa naiulat na mga nasira at nasayang na relief goods sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tuguegarao, Cagayan para sa mga biktima ng Typhoon Ulysses noong 2020.

Batay sa audit report ng Commission on Audit, umabot sa libo-libong in-kind donations ang hindi naipamahagi ng DSWD sa mga lubhang apektado ng Bagyong Ulysses hanggang sa ito ay masira na at hindi na tuluyang napakinabangan.

Sinabi naman ni Fr. Siapco na ilan sa mga paraan na ginagawa ng LASAC upang maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente ay ang mahigpit na pagtutok sa bawat dumadating na donasyon, na agad ding ipinapamahagi sa mga higit na nangangailangan.

“In Batangas, there is no information na may nasasayang na relief goods especially during and after calamities,” ayon kay Fr. Siapco.

Ang lalawigan ng Batangas ay madalas dinaraanan ng malalakas na bagyo taon-taon kaya kabilang sa mga programa ng Arkidiyosesis ng Lipa ang pangangalap ng mga donasyon upang maipamahagi sa mga pamilyang apektado ng mga sakuna.

Nauna nang iminungkahi ni Tuguegarao SAC Director Fr. Andy Semana sa pamahalaan ang paglikha ng food banks upang higit na matutukan ang mga natatanggap na relief goods at maiwasang masira ang mga ito.

Read: https://www.veritasph.net/pamahalaan-hinimok-na-magtatag-ng-food-bank-para-sa-mga-biktima-ng-kalamidad/

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,105 total reads

 16,105 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,990 total reads

 16,990 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,563 total reads

 33,563 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,940 total reads

 70,940 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,209 total reads

 102,209 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,311 total reads

 177,311 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,897 total reads

 269,897 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,389 total reads

 74,389 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top