Claretian Priest, nakikiisa sa Rural Missionaries of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,444 total views

Suportado ni Claretian Missionary Fr. Elias Ayuban Jr. ang mga madre sa bansa na nangunguna sa pagkakawanggawa lalo na sa mga nangangailangan.

Inilarawan ni Fr. Ayuban – Provincial Superior ng Claretian Missionaries Philippine Province at Co-Chairperson ng Conference of Major Superior in the Philippines na makainang pag-aaruga ng simbahan ang gawain ng mga madre tulad ng paglingap sa mga liblib na komunidad sa bansa.

Ayon sa pari, ang kawanggawa ng mga consecrated women ay pangkaraniwang gawain at hindi isinasapubliko.

“Here is a collection of photos of some communities of sisters in action in these times of crisis. They have been doing this since time immemorial, but they are seldom noticed or talked about because they do not call the media to cover their apostolic works,” ayon sa pahayag ni Fr. Ayuban.

Ibinahagi ng pari sa kanyang social media ang larawan ng mga madre na aktibong nagbahagi ng tulong noong pandemya habang umiiral sa malaking bahagi ng Pilipinas ang mahigpit na lockdown.

Ito ay pakikiisa ni Fr. Ayuban sa mga madreng kasapi ng Rural Missionaries of the Philippines na kabilang sa kinasuhan ng Department of Justice dahil sa alegasyong pagpopondo sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA).

Kabilang sa 16 na kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 sina Sr. Emma Teresita Cupin, Sr. Susan Dejolde, Sr. Augustina C. Juntilla, at Sr. Mary Jane Caspillo.

Ipinaliwanag ng D-O-J na bigo ang 16 na indibidwal na magsumite ng kanilang counter-affidavit sa isinagawang preliminary investigation sa reklamong inihain ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Binigyang diin ni Fr. Ayuban na bahagi ng gawain ng mga relihiyoso at ng buong simbahan ang paglingap sa pangangailangan ng mga mahihirap lalo na ang naisasantabi sa lipunan.

Dalangin ng pari ang kaayusan at kaligtasan ng bawat misyonero na buong katapatang isinabuhay ang misyon na ibahagi si Hesus sa bawat pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 33,217 total views

 33,217 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 57,533 total views

 57,533 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 93,323 total views

 93,323 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 134,482 total views

 134,482 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 185,517 total views

 185,517 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top