Magbuklod sa gabay ng Birheng Maria, paanyaya ni Archbishop Tirona sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 967 total views

Hinimok ng pinunong pastol ng Archdiocese of Nueva Caceres ang mananampalataya na palalimin ang debosyon at pananampalataya.

Ito ang mensahe ni Archbishop Rolando Tria Tirona sa paghahanda ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Penafrancia at Divino Rostro sa Setyembre.

Ayon sa Arsobispo tulad ng hamon ni Pope Francis sa Synod on Synodality mahalagang magbuklod ang mananampalataya sa gabay ng Mahal na Birheng Maria upang mas lumago ang simbahan sa pagmimisyon sa nasasakupang kawan.

“During this feast of Penafrancia let us deepen our sense of communion, let us actively participate and let us open our hearts towards a missionary church,” ayon sa mensahe ni Archbishop Tirona.

Paliwanag ng arsobispo dito nakabatay ang tema sa kapistahan na ‘Mary accompanies us in our journey towards a synodal church’ bilang pagpapaigting sa pagsasabuhay ng Arkidiyosesis sa synodality o sama – samang paglalakbay bilang simbahan.

Ayon kay Archbishop Tirona na sa pamamagitan ng dayalogo at pakikipag ugnayan ng simbahan at mananampalataya higit na lumago ang simbahang nagmimisyon tungo sa paghubog ng espiritwalidad ng sangkatauhan.

Binigyang-diin ng Arsobispo na sa tulong ng Mahal na Ina ay mas mahimok ang mananampalataya na tumugon sa tawag ng pagmimisyon.

“The Blessed Mother journeys with us, enlightens us, accompanies us and above all encourages us in this beautiful mission,” dagdag ni Archbishop Tirona.

Ang pista ng Penafrancia ang isa sa malalaking pista sa Pilipinas na dinadayo ng libu-libong deboto sa Bicol region at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Sa pinagsamang pahayag ng Arkidiyosesis at lokal na pamahalaan ng Naga City muling pahintulutan ang pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon makaraan ang dalawang taong pagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic.

Gayunpaman mahigpit na paalala ng simbahan at lokal na pamahalaan na sundin ang mga safety protocols upang makaiwas sa posibilidad na mahawaan ng virus.

Bukod tanging mga kasapi ng Cofradia de San Jose ang maaring bubuhat sa andas ng El Divino Rostro at Mahal na Birhen ng Penafrancia.

Sa mga mananampalatayamg makiisa sa pagdiriwang at prusisyon maaring hintayin sa dadaanan ng ruta ng prusisyon, magsindi ng kandila, maghanda ng puting panyo at mga bulaklak.

Paanyaya ni Archbishop Tirona sa mananampalataya ang pakikiisa sa panalangin at pagsunod sa mga alintuntunin para sa ikatatatagumpay ng mahalagang pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 43,588 total views

 43,588 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 87,196 total views

 87,196 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 170,832 total views

 170,832 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 184,747 total views

 184,747 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top