Arsobispo, hiniling sa mananampalataya na ipanalangin ang tagumpay ng “FABC 50”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 910 total reads

Hiniling ni Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay sa mananampalataya na ipanalangin ang matagumpay na pagtitipon ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC).

Sa liham ng Arsobispo sinabi nitong mahalaga ang pakikiisa sa pagdiriwang ng ikalimang dekada ng FABC na layong pagbuklurin ang mananampalataya tungo sa mas malalim na pananampalataya at matatag na simbahan sa Asya.

“Let us heed the call of the Bishops in this Conference to build awareness and interest among our faithful; It is our prayer that we may all together create a sense of participation in this continent-wide event in our Church,” ayon kay Archbishop Baccay.

Inilunsad ang pagdiriwang nitong August 22, 2022 sa isinagawang Inauguration of the General Conference sa Bangkok, Thailand.

Tema sa ika – 50 anibersaryo ng FABC ang ‘FABC 50: Journeying together as peoples of Asia ‘and they went a different way’ na hango sa ebanghelyo ni San Mateo chapter two verse 12.

Hinimok ni Archbishop Baccay ang mga parokya na dasalin ang panalangin sa FABC 50 sa lahat ng simbahan mula August 22 hanggang 30 at ipalaganap ang theme song na ‘The Church of Asia Bless Our God Who Walks With Us.’

Gaganapin ang FABC 50 General Conference sa October 12 hanggang 30 sa Pastoral Center ng Archdiocese of Bangkok sa Thailand na dadaluhan ng Episcopal Conferences ng South, Southeast, East at Central Asia.

Dumalo sa paglunsad ng general conference si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang chairman ng FABC – Office of Social Communication habang inaasahang dadalo sa Oktubre ang ilang obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pangunguna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng kalipunan kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 10,411 total reads

 10,411 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 109,652 total reads

 109,652 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 192,682 total reads

 192,682 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 287,013 total reads

 287,013 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 348,272 total reads

 348,272 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top